CHAPTER 8
SPY PANDA
Ikot….
Ikot….
Ikot…..
Tingin sa Orasan….
WAAHHHHHH! Alas singko na ng umagaaaa!
Hindi parin ako makatulog!!!! @_@
Hanubayan! Maaga pa ang pasok ko bukas T_____T
Ano nang gagawin ko nito tsk.
Mag lakad lakad kaya ako? Magpahangin-hangin, baka sakaling antukin ako.
Tutal pasikat na ang araw! Maganda ang view sa gubat ngayun!!
Tama! Pupunta akong gubat!
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at lumabas ng mansion.
Baka kasi gising na sila manang.
Syempre dun ako dumaan sa likod yung madalas na dinadaanan namin ni lance >:D
Naglakad ako papuntang gubat.
***SA GUBAT***
Ang dilim pero okay lang naaninag ko na naman ang paligid.
Ten ~ Ten ~ Ten
Yung tunog? O.O
Magsi-six palang ng umaga may tumutugtog na ng piano? Wow ah!
Sa Lumang bahay !!!
***Playing Huling El bimbo***
(http://www.youtube.com/watch?v=QTTqpysmqWg)
Tuloy tuloy lang ang pagtugtog..
Napakagandang tunog talaga…
Ibang iba …
Dali dali akong tumungo sa bahay…
Nang matanaw ko na, tinitigan ko muna ang bahay…
Unti unting gumalaw ang mga paa ko palapit sa bahay…
“Napaka-lalim ata ng iniisip mo iha? May problema ka ba?”
O_O
jusmiyo. Nakakapanindig balahibo naman ‘tong manong na to.
“Ah wala naman po” malungkot kong tono.
“Naku iha, ito oh kainin mo nakakapagpangiti yan ng tao” masayang sabi ng matandang lalaki sakin.
Tutal medyo gutom na ako, walang anu-ano tinanggap ko na ahahaha! Aba blessing kaya yun!
Ano naman kayang meron sa cookies na to’?
Teka…
Napansin kong nawala yung tugtog… napatingin ako saglit sa bahay….
Bakit siya tumigil?
Tapos na ba?
Binalik ko na ang tingin ko kay lolo…magpapasalamat pa sana ako, kaso…
“Lah? Asan na si lolo? Nawala bigla?” di kaya engkanto yun? @_@
**KRING***
***KRING***
“ANU BA ANG INGAY MOOOOO!” langya nagising ako sa ingay ng alarm ko tsk kitang puyat ako eh… pam pam… halos 45 mins lang ang tulog ko! THE FACT! =_=
BINABASA MO ANG
Unfinished Song
Romance"Music is my Painkiller... my soul remedy, my happiness and the cause of my loneliness."