Queen 1: What is Love?

2 0 0
                                    


Here it goes.....

###

Xyreid/ Zyr

"Tang ina! Kung di mo lang ako pinatigil kanina Q-Zyr hindi ko talaga palalampasin iyon!" Angal ni Aram.

Meet - Arameia Sheen Gallardo my self proclaimed bestfriend. Psh! Ewan ko jan. Wag kayong magtanong kung anong ugali niya dahil hindi ko din maintindihan. One minute, happy. Another minute, galit, next minute, gustong pumatay, another minute, malungkot. Magulo ba? Ewan ko din kasi ei *shrug*.

"Will you please f**king shut the hell up Aram! You're too noisy as hell! For Pete's sake stop your tantrums!!" Sigaw nila Alie.

Alexiereign Jam De Jesus. Meet one of my unknown sister daw. Malay ko? Nagkaanak daw sina Mom and Dad habang natutulog ako at siya ang batang iyon. Maniniwala ba kayo sa kahibangan niya? If yes? Sama kayo sa kulto niya. Kulto ng mga baliw at abnormal. Psh!

"Diba Kapatid?" Mahinahong dugtong niya kaya napafacepalm ako.

"You two shut up. I'm trying to pick a sleep here." Sabi naman ni Zaby.

Zabdiel Raive Hurgath. Playboy playboy playboy. Three words to describe him. Aba malay ko? Pero totoong playboy yan pero hindi pa nakakawasak ng bataan. May pagkasaTORPE din ang gagong yan ei.

"Shut up Playboy! Ang sabihin mo busy kang bosohan si Alie. Alie umayos ka nga ng upo! Damn! Babae ka wag kang obobs!" Cold na wika ni Hare.

Harrel James Fletcher. Cold, sometimes annoying, straightforward bad ass guy. Nagtataka ba kayo kung paano ko sila naging kasama?

Ewan din, nakabungguhan ko lang sila at ayun, nagkakasama na kaming lima. Nung una patayan ang nangyayari sa kanila. At ako ang tagabigay ng patalim na gagamitin nila without them knowing.

Natutuwa kasi ako ei, tsaka di naman nila napapansin. Saka lang nila nararamdaman ang hapdi pag nagtagal na ng limang minuto. Don't worry, ginagamot ko naman sila ei.

"Dammit Fletcher! Hindi ko siya binubosohan!" Sigaw ni Zaby.

"Anong hindi?? Sabi mo ngang Panda ei!" Sigaw din ni Aram.

"Ay putang inang unggoy na ibinato ni KingKong!!" Sigaw ni Alie kaya binigyan ko sila ng tig isang patalim at nagduel sila. Natamaan nila si Aram kaya sumali siya hanggang sa madaganan ni Zaby si Hare at ayun....

WORLD WAR III

Nakangiti lang akong pinagmamasdan silang magpatayan gamit ang punyal na binigay ko.

"What the hell?????" Nakarinig kami ng sigaw. Ginawa kong invisible ang sarili ko at nagtungo sa may puno.

Napangisi nalang ako sa nangyari sa kanila.

"Ahhhh Zyrrrrrr!!!!" Sigaw nina Zaby at Aram. Nagkibit balikat lang naman ako.

"Anong Zyr? Detention now!" Sigaw ni Ms. Urani( Uranay) at nanlumo silang naglakad paalis. May mga sugat din sila pero hindi nila ramdam. Mamaya lang. Masesave naman sila nun at pupuntang clinic. Hehe..

"Ang harsh ah. Ikaw pa talaga ang nagbigay ng punyal sa kanilang apat." Wika ng isang malamig na tinig sa likod ko. Nandito na naman ang lalaking ito. Ewan ko at simula nung makita at maligtas ko siya ei wala talaga akong mahinuha na kahit konteng kaba lang sana.

I feel comfortable with him. Psh!

"Masaya nga ei." Walang ganang wika ko at naghikab. Tinignan niya ako at ngumiti siya. Napakurap ako at kinusot ang mga mata ko.

Tsk.

Nailing nalang ako. I think, I'm just hallucinating.

Naglakad na ako palampas sa kanya pero hinila niya ako at hinapit sa bewang. Napataas kilay naman ako.

"Trip mo Coldy?" Tanong ko.

"The hell? Coldy? Thats not even my name!" Inis na wika niya. Napangisi naman ako.

"Wait, whats your name again?" Nakangising tanong ko.

"Stop teasing me or I'll kiss you." Banta niya. Nginitian ko lang siya at hindi na siya makagalaw.

"How can you kiss me if you're froze Coldy?" Nangaasar na tanong ko then nawala siya. Napa tsk ako ng maramdaman kong nasa likod ko siya.

"Ano na naman bang trip mo Xairus?" Walang ganang wika ko. Natawa siya.

"I just wanna hear my name coming from you." Sagot niya. Nailing nalang ako.

Hindi siya kilala nina Zaby, Aram at Alie. Si Hare lang.

"Miss! Bawal ka jan!" Wika ng isang school mate ko. If you're confused, I'm in front of a Garden. Only the Queen can enter here. Kasama ko din si Coldy pero hindi nila nakikita.

"Yeah, naligaw lang." Walang ganang wika ko. At lumakad na paalis. Nagtungo akong clinic para tignan sila.

"Yaahhh!!! Bat mo kami iniwan???" Sigaw ni Aram.

"I can't hear you." Nangaasar na wika ko. Napabusangot naman sila kaya natawa ako.

"Nagkita kayo?" Tanong ni Hare.

"Lumitaw lang." Walang ganang wika ko at nahiga sa tabi niya.

"Aishhh! Umalis ka nga sa bed ko!!" Inis na wika niya. Ngumisi ako.

"Okay, sasabihin ko kay Ms. Urani na magaling na kayo." Sagot ko at tumayo pero hinila niya ako then niyakap. Natawa naman ako.

"Aishhh!! Ayaw ko sa detention." Angal niya kaya napangisi ako then pumikit.

Nakita ko ang malungkot na ngiti ni Aram. Kung sana nagtapat ka na, edi hindi ka nasasaktan. Pag-ibig nga naman.

Love? I really don't know that word. What really is LOVE?

####

Love agad noh? Hahahaha.

Aj♡♡

Queen Xyreid: Queen Of All QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon