Sa panibagong yugto ng buhay mo, kailangan mong masanay para mabuhay.
7:00 ng gabi kami nakauwi kagabi at hinatid pa talaga ako ng mga taga Crest section. Masasabi kong welcome ako sa kanila.
Pero sa lahat ng nangyari, ang bagot na mukha ni Mayor ang kinakatakutan ko. Walang gana siyang magsalita, malamig ang mga mata pero ang paraan ng pagtitig niya sa iyo, hindi mo gugustuhin pang makita.
Sa lahat ng nakasalamuha ko, sa kanya ako takot. Pumapangalawa si King ng Lynus. Para din iyong halimaw pag nagalit.
Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang Moon building at madadaanan ko ang iba pang buildings. Pinagbubulungan din ako ng ilang kababaihan.
Habang naglalakad ay may biglang bumangga sa akin. Natigil ang bulungan at napalunok ang iba.
'Patay! Bat di niya iniwasan si Mayor?' Narinig kong wika ng isa.
So isa din itong Mayor? Psh!
Tinignan ko lang siya at naglakad na ulit pero nagulat ako ng hilahin niya ako at suntukin sa mukha.
Napatabingi ang mukha ko. Tinignan ko siya ng malamig.
"Wala kang galang ah! Hindi ka ba nasabihan na kapag Mayor ang kaharap mo ay gumalang ka?" Sigaw niya. Ang sinabi ni Marc Mayor lang ng section niyo ang gagalangin mo.
"Anong section ka ba huh at sasabihin ko sa Mayor mong parusahan ka!" Galit na wika niya.
"Crest." Malamig na wika ko. Natigil silang lahat sa bulungan at ang iba ay lumayo na.
Naramdaman kong may tao sa likod ko pero hindi ko ito nilingon.
"Hindi ba malinaw sa inyo ang sinabi kong wag niyong ipagmalaki kung ano ang posisyon niyo?" Wika ng isang walang ganang boses.
Nasisiguro kong si Mayor ito.
"Dapat siguro ikaw ang unang nagpapakumbaba Mayor Klyde kasi bago lang siya dito at naninibago pa." Dugtong niya.
"Ano bang pinagmamayabang mo huh! Sinu ka ba?" Tanong nung Klyde daw.
"Xyried." Sagot niya. Napatahimik silang lahat.
"Mayor of Crest. Wag na wag niyong pinapakialaman ang hawak kong section dahil ultimo section niyo, hindi niyo makontrol. All of you go back to your sections and prepare for your trainings. I don't want to see anyone scattering around once you stepped in front of your buildings. Did I made myself clear?" Malamig at maawtoridad na wika niya. Napatango ang iba at nagsibalikan na sa klase nila.
"Ang galing ng palabas mo Mayor." Wika ni Lard at nagtawanan sila.
"Gusto mong masama sa palabas? Balik sa section." Walang ganang wika niya at nagtawanan sila. Inakbayan naman ako ni Allen.
"Masanay ka na Bro. Lahat ng sections ay takot sa amin, maliban sa section ng Kings and Queens, ang Moon Crest. Dati kasi, pariwara kami pero ikaw ba naman ang muntik ng mamatay dahil lang hindi ka sumunod sa Mayor?? Huh! Takot din kami pero thankful kami kasi sa amin siya. She is protecting us. Thats why she gained our respect wholeheartedly." Wika nito at tinapik ang balikat ko bago naglakad na.
Napalingon ako ng ibang direksiyon siya pupunta.
"Matutulog yun, tsaka hindi din namin matalo sa Combat kaya hayahay." Wika ni Ms. Pink.
"BTW, Ara here. Don't think you're different coz in here, everyone is given a second chance. Its on you if you obey or betray. Welcome to our world." Wika niya at ngumiti.