Pagkagising ko ay bumangon na ako agad at nagtungo sa bathroom.
Yieee! Today is the day! Can't wait!
Pagkababa ko ay nadatnan ko si Gray sa Dining na nagkakape.
"Good morning Gray!" Bati ko pero tinignan lang niya ko pero nginitian ko siya at nagtungo sa kitchen. Naghanap ako ng pwedeng makain dun at nakakita ako ng Ingredients ng pancake kaya yun na yung niluto ko.
Gumawa din ako ng chocolate syrup. Hmmmm! Natatakam na ako!
"Good morning, mukhang excited ka ah!" Wika ni Sean na ginulo muna ang buhok ko bago naglagay ng Milk sa baso at binigyan din niya ako.
"Of course! Good morning too!" Maligayang bati ko din.
"Nagtataka lang ako Gail, dun di ka naman humahawak ng kitchen utensils pero dito kung ano ano ang naluluto mo." Wika naman ni Ike na nagtitimpla ng kape niya.
"Wala naman kasing may gustong magluto, ei kung pati ako di na nagluto anong kakainin natin?" Tanong ko.
"I can cook too, silly." Sagot niya.
"Talaga? Then from this afternoon till the end of our stay here ikaw na magluto huh Mikey! Salamuch!!" Wika ko. Napakamot naman siya ng ulo.
"Salitan tayo ah." Wika niya pero nagbelat ako.
"No Mikey, kaw nalang tsaka tinatamad narin ako." Wika ko at natawa. Nailing naman siya.
Tinapos ko na ang pagluto ko then nagtungo na sa dining. Sumunod naman si Ike sa akin at nilapag ang choco syrup at ang plates.
"Ready to lose Babe?" Tanong ni Sean.
"Huh! Don't underestimate me Sean." Wika ko at natawa naman siya.
"If you say so." Sagot niya.
"If no one wins, you'll treat me my lunch." Wika din ni Ike.
"Huh! You bet, I will win. You used my faves to blackmail me Sean. I will do everything to win!" Determinadong wika ko.
"I am determined to win against you too Gail. Hindi pwedeng magtie ulit tayo dito. There should be a winner!" Wika din ni Sean.
"It should be tie!" Wika din ni Ike kaya tinignan namin siya ng masama.
"Chill guys. You'll make the dining upside down with your tension." Wika ni Gray.
Naglie low naman kami. Nagulat kami ng mag-unahang pumasok ang iba.
"Nasan ang kalaban???" Sigaw nina Martin at Jasper. Tumatawa naman si Alie sa likod.
"Kalaban?" Sabay sabay na tanong namin nina Ike at Sean.
"Aliiieee!" Sigaw nila ng marealize nilang walang kalaban.
"What? Yan oh! Hindi sila ang totoong Gray, Ike, Sean at Gail!" Depensa nito.
"Sige kalabanin niyo kami at di namin kayo bibigyan ng pancake!" Banta ni Ike kaya bigla silang tumakbo at kumuha ng tigdalawa. Ganundin kay Alie. Takot mawalan ng pagkain haha. Lumabas na ako at nakasabay ko si Gray. Pabagsak akong naupo sa sofa at diko inaasahang makakasabay ko si Gray.
"Ready for later?" Tanong niya kaya napangiti ako ng malawak.
"Super duper ready!" Sagot ko.
"Yan pa tinanong mo pre, tsk." Wika naman ni Ike kaya binato ko siya ng unan.
"Taraaa! I'm so exoited!" Sigaw ni Alie. Tumayo naman ako.