Queen 24: Aura of Death

2 0 0
                                    


Morning came and here we are sitting in the dining, nagpapakiramdaman ang lahat kung sinu ang magsasalita.

Wala akong balak magsalita noh, tsk! Tsaka kami ang bisita, dapat sana iwelcome naman nila kami kahit ayaw nila sa amin.

"Queen." Wika ni Stat.

"Its Shale." Wika naman niya. Stubborn!

"Queen." Wika ulit ni Stat kaya niyuko ko nalang ang ulo niya bago sinangga ang arrow papunta sa kanya gamit ang kutsilyo.

"Oh my God!" Hysterical nina Elliana. I threw the knife at my left before continuing my meal.

"Fuck!" Sigaw nung kambal. Malapit lang kasi sa kanila iyong lalaking naka invisible at sasaksakin na sana yung isa sa kambal.

"What the hell is happening??" Sigaw naman nung isa na gulat na gulat din dahil may pinatay din si Stat sa tabi niya.

"H-how?" Tanong naman ni Jordan na ikinakibit balikat lang namin. Pakiramdaman lang yan.

Bigla kaming napatayo lahat ng may sumugod sa amin. Marami sila, puros nakaitim.

Tumakbo ako patungong sala at meron pa dun kaya kinalaban ko nalang din sila. Gumagamit na din ng Magenta ang mga Royalty pero kami ay ang mga weapon pa namin.

Sa dami nila baka aabot kami ng tanghalian. Nagsimula na din akong pagapangin ang mga poisonous vines ko at hinayaan kong patayin niya ang iba.

Napansin kong may sasaksak sana kay Ashley ng protektahan ko siya gamit ang mga vines ko at pinatay iyon. Diko na siya tinignan pa kung anong reaksiyon nila. Dahil sa madami pa sila at may mga papasugod pa gumamit na din ng kidlat si Stat. Kinalat niya ang kidlat niya at sabay sabay na anging abo sila dahil na din sa tubig at yelo nina Jap at Queen Shale.

Matapos ang tatlong oras, naubos namin sila. Napatingin ako sa mga kasama ko at maayos pa naman sila maliban sa ibang Royalty. Yung isa sa kambal ay may malalim na sugat. Mag galos din ang iba. Si Jordan naman ay nasaksak at madami naring dugo ang nawala sa kanya.

Binalot ko siya ng vines ko at tinulungan ako ni Queen doon. Umilaw ang vines. Hinintay naming mawala ang ilaw bago namin siya nilabas. Isang natutulog na lalaki ang bumungad sa amin. Inilagay naman siya nung mga kasama niya sa sirang couch pati na din yung isang kambal.

Napaupo na rin kami sa pagod at panghihina.

Walang nagsasalita, ni kumibo manlang ay wala. Dahil siguro sa pagod kaya ganun. Maya maya lang ay gumising na sina Jordan at ang isa sa kambal. Dahil gising naman na sila, umakyat nalang ako at nagtungo sa silid namin.

Nakakapagod!

WEEK passed and we are here at the sala waiting for some miracle to happen. Isang linggo na pala mula ng inatake kami. Isang linggo na ring iniiwasan kami nung mga Royalty. Ewan sa mga yun, wala akong pake no!

Nang dumating sila ay nawalan na ako ng ganang manood.

"Papanhik lang ako." Paalam ko at tumayo din si Jap. Tumango lang naman sina Queen at Stat na tutok sa pinapanood nila.

"Sama na ako, nawalan ako ng gana." Walang ganang wika niya kaya umalis na kami. Napatingin ako sa kanya ng akbayan niya ako.

"Hmmm?" Tanong ko.

"Wala naman. Nakakabagot dito. Pwede bang gawa na tayo ng move?" Tanong niya. Nagkibit balikat lang ako.

"Hintayin natin ang plano ni Queen." Sagot ko nalang at tumango siya.

Queen Xyreid: Queen Of All QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon