Queen 26: Truth Behind

2 0 0
                                    

Nakaupo kaming lahat ng pabilog dito sa may training room dahil magkakaroon daw kami ng duel. Okay lang sa amin pero di ata ako nainform na staring contest ito?

Nagtititigan lang kami, its like kung sinu ang unang magbaling ng tingin, yun ang talo. Eh ako? Mulat na mulat ang mata kaya inaantok na ako! Wahhhh! Isusumbong ko sila kay Mayor! Si Queen Alie nga na nasa tabi ko kung hindi ko siya kukurutin makakatulog na siya.

'Can we end this already? We already figure what they wanna tell.' Wika ko kay Sean nagshrug lang siya habang sinusundan padin ang flow ng titigan. Kung dimo kasi ito nasundan, talo ka na. Eh! Jusme naman, ganyan palagi ang pinapalaro ni Sir Clark!

Para lang kasi siyang pass the message pero ang kaibahan yung mata ang gagamitin mo. Hahalungkatin mo hahaha deep naman, parang kumbaga babantayan mo kung kanino siya titingin then kapag may hindi nakasense na sa kanya na ang tingin, alis siya. Pero in real battle, yung unang nagbawi, siya ang gagawa ng task.

"O tama na, nakuha na nila ang ibig sabihin ng laro." Wika ni Mr. Ong.

"Who is your mentor?" He asked.

"Sir Clark po/ Mr. Isiah." Sabay naming sagot. Napangiti naman siya at tumango.

"No wonder alam niyo agad kung para saan ito. Okay, pick a paper in the fishbowl and sila ang makakalaban niyo sa Combat. Go!" Wika niya kaya ayun ang ginawa namin.

Nakuha ko yung pangalan ni Sean. Napangisi ako bago siya tinignan.

"Sir, with or without?" Tanong ko habang nakangisi kay Sean na sinuklian naman niya ng ngisi din.

"Without." Sagot niya kaya napangiti ako ng malawak.

"Okay, mukhang excited sina Gail at Sean, umpisahan niyo na." Wika niya at nagtungo agad kami sa gitna. Without the signal, we begin. Nagsusuntukan, nagtatadyakan kami but the defense, andun pa din. Ewan nalang kung nasusundan nila ang galaw namin. This is what I am waiting, ang makalaban ulit siya.

###

Sina Sean at Gail ang nauna. Yung nag-aalab na tinginan nila kanina parang matagal na nilang hinihintay na maglaban ulit sila. Nung una nasusundan pa namin pero kalaunan hindi na. Sobrang agresibo na din ang laban nila.

Bigla silang naghiwalay pero dimanlang sila hiningal! Its been 20 minutes since naglaban sila pero parang naglalaro lang sila pero kita mong todo ang labanan nila.

"Sir, patigilin mo na sila. Baka bukas pa natin malaman kung sinu ang mananalo jan." Wika ni Ike kaya pinatigil na sila ni Sir. Nakasimangot silang umupo sa tabi ni Ike na binatukan at dinaganan talaga nila.

"Sinayang mo yung chance namin!" Angal nila. Nadumi din ang damit nila pero parang wala lang sa kanila iyon. Nagkatinginan kaming lahat maliban kay Queen na kumakain, pagkakita ni Gail sa kinakain ni Queen ay hinablot na niya ito at tinakbo. Sunod naman na naglaban sina Martin at Gray. Naghahabulan padin sina Queen at Gail. Hindi ba napagod yun sa pakikipaglaban?

Nagulat kami ng dumaan sila sa gitna nina Martin pero parang wala lang na linampasan nila ang mga iyon. Dumaan din sila sa likod namin at hinuli na sila nina Ike at Sean.

"Oh Queen!" Wika ni Sean at ibinato kay Queen ang isang Lays. Yun yung pinag-aagawan nila.

"Its Alie! Ano ba!" Angal niya habang hawak siya ni Sean pero nailing lang ang isa.

"Panu kaya natagalan ni Mayor ang bunganga mo?" Tanong ni Ike at sa sobrang bilis sinapok na ni Queen si Ike.

"Alieeee!" Sigaw niya at nagbelat lang yung isa at tumalikod sa kanila. Si Gail naman ay nasa likod ni Sean na kumakain ng Lays. Hays, parang mga bata haha.

Queen Xyreid: Queen Of All QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon