Papunta na kami sa gate ng Academy. Tahimik lang kami dahil mukhang nasa higaan pa ang mga kaluluwa nila.
Napabuntong hininga ako.
Makikita ko na ulit siya. Kumusta na kaya siya? Simula noong nawala siya ng isang buwan 2 years ago ay nagiba na siya.
Ikinancel niya rin ang kasunduan ng Mundo ko sa Mundo niya na okay lang naman, kahit masakit. Tsk!
Pagdating namin doon ay nandoon na lahat ng Crest at mukhang kami nalang ang hinihintay. Napatingin sila sa amin at nagbow.
Napatingin ako sa Mayor na parang tulog. Magaling ka nga, magaling na magaling dahil unti unti, nababago mo na sila.
"Tayo ng humayo, nandito na ang mga dugong bughaw." Wika ni Bb. Delline. Tumango naman sila at nagsipasukan na. Mukhang bangag din sila.
"Oh Mayor? Jan ka na magtotour?" Tanong ni Marc.
"Ikaw? Gusto mo dito nalang magtour?" Tanong niya at dali daling pumasok si Marc at natawa naman ang ilan.
"Lodi ka talaga Mayor!" Wika naman ni Wendy at nagtawanan sila. Pumasok na rin kami at naglakbay na.
"Knock knock!" Biglang sigaw ni Ara.
"Who's there." Malamig na wika ni Harrel. Napakunot noo ako.
"Omega." Wika niya habang nakangiti.
"Omega who?" Tanong nila.
"O-ME-GA!! Nasa taas na tayo!!" Sigaw niya na parang nagulat. Nailing ako. Natawa naman ang iba at napafacepalm si Mayor.
"Another joke has died." Narinig kong bulong niya kaya napangisi ako at nailing. May sense of humor pala to ei.
"Ako naman, knock knock!" Wika ni Allen.
"Who's there?" Tanong nila.
"Xyried." Sagot niya. Natahimik sila at napatingin kay Mayor.
"Xyried who." Sagot ni Mayor.
"I Xy-Reid is so panget~" pakantang wika niya. Natawa siya pero napangisi si Mayor.
"Knock knock." Wika niya. Napangiwi ako. Makikisali din naman pala.
"Who's there?" Masayang tanong ni Allen. Tahimik lang ang mga kasama nila. Parang may hindi magandang mangyayari pag nagsalita sila.
"Flying." Walang ganang wika niya. Natawa ng mahina sina Ara, at Alexa. Napangisi naman si Harrel at napanguso si Zabdiel.
"Flying whoooo???" Masayang tanong ni Allen.
"Flying who mukha mo. I-flying ko yang mukha mo pababa you want? Balita ko mga piranha ang laman ng dagat na yan." Walang ganang wika niya. Napalunok ako pati si Allen.
"Waahhh!! Joke lang yun Mayor.. sorna pleathhs!! You're so maganda kaya! Most specially when you smile!" Nakangiting wika niya.
"Shut up. Why so conyo Allen? You look like Allien." Wika niya at nagtawanan kami. Ginaya pa talaga niya ang boses ni Allen.
Napatingin sila sa akin dahil sa tawa ko. I just shrug and ignore them. But I smiled, mukhang nabuksan niya ang tahimik kong mundo ah!
"Prepare Ladies and Gentleman, we're here." Wika ni Ms. Delline at bumaba na kami.
May mga Royal Guard na nagbow. Nagulat kami ng magbow pabalik si Mayor. Then sumunod na sa mga guard.
"Taga dito siya? I thought kapatid mo siya Qu- I mean Alexa?" Tanong ni Blaire.