Ysabel Ortega

1.2K 42 5
                                    

Ocho: Ysabel Ortega

Ysabel's Point of View

"Ysabel Baby are you ready?" Nag aayos pa ako ng Bag ko ng biglang binuksan ni Mom yung pinto ng kwarto ko at dumungaw doon.

Agad akong tumingin kay Mom at sinabing okay na ako bago basta nalang sinalpak yung gamit ko sa sling bag na dala ko.

Today may dinner kami with Dad and pamilya at sa Aking magiging Future Husband. Yes Future Husband. Sabi nila, tradisyon na daw yun sa pamilya namin. Mag hahanap ang mga magulang ng mapapangasawa ng kanilang anak na kapareho ng estado nila sa buhay para mapanatili ang yaman ng pamilya kahit hindi ko na naman dapat tong gawin dahil ano pa bang gagawin ko hindi na din ako tanggap ng pamilya ni Dad dahil anak ako ni Dad sa babaeng hindi kaparehas ng estado ng buhay nila Dad.

Ayoko talaga ng Arrange Marriage na to'. Pero kailangan ko tong gawin para sa magulang ko, lalo na para kay Dad para palakita ko na may worth ako na ipakilala niya na anak niya sa pamilya niya at sa mundo.

"Ysabel, Kung ayaw mo sa ganto wag mo nalang ituloy to' hindi ka namin pinipilit sasabihan ko ang Dad mo" Saad ni Mom pag labas ko ng kwarto ko.

Niyakap ko si Mom at inialis ang yakap ko sa kanya "Mom, Hindi. Itutuloy ko to' Ipapakita ko kay Dad na anak niya ako at kaya ko yung mga tradisyon nila" Ngumiti ako kay Mom at naglakad na pababa.

Sumakay agad ako sa kotse namin katabi si Mom. Alam ko na kinakabahan ako, Hindi ko kilala yung future Husband ko, Ni-hindi ko alam kung ka-ede ko ba, gwapo ba, Matalino ba, Tangkad o ano man. Basta alam ko ginagawa ko to para sa Dad.

Bumaba agad ako ng sabihin ng Driver na nandito na daw kami sa restaurant.

Nagpaalam muna ako kay Mom na mag pupunta sa comfort room at sinabing susunod nalang ako.

Kinakabahan takaga ako. Inayos ko Muna yung suot kong dress, pinag dress kase ako ni Mommy, Isang Sundress lang pero hindi lang ako sanay dahil syempre lagi lang naman ako nakapants at taas ng buhok may pa lipstick pa naisip si Mommy kaya lalo akong kinakabahan.

Pagkatapos kong magayos ng sarili ko ay lumabas na agad ako ng Comfort Room ng mabangga ako ng isang lalaki.

"Pwede ba tumingin ka nga s---" Galit na sabi nung lalaki habang nakayuko kami at nagulat ako ng pag ayos ko ay nasa unahan ko si Marco, Marco Gallo.

"You?!" - Marco

"Ikaw?!" - Ako

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa "And I'm surprised, You look different. You look stunning" Malanding Saad ni marco at Malandi din yung tingin kaya umurap nalang ako at maglalakad na sana paalis pero hinawakan ni Marco yung kamay ko na dahilan kaya napatigil ako at napatingin sa kanya

"I hope we can be friends" Saad nito pero tinaasan ko lang siya ng kilay at inalis ko yung pagkahawak niya sa kamay ko.

"Hindi ko kailangan ng pekeng kaibigan" Saad ko at nag umpisa na sa paglalakad pero tumigil uli ako at humarap kay Marco "And If you're flirting with me, Not me ha?" Saad ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

hinanap ko kung saang table si mommy at nagulat ako dahil nandoon na si daddy at yung magulang ng mapapangasawa ko.

Pagkalapit ko sa table ay agad akong bumeso kay Daddy agad din naman akong pinakilala sa mga magulang ng mapapangasawa ko.

Daldalan lang sila Dad at yung mga magulang nung mapapangasawa ko ng biglang napag-usapan nila na sa school din pala nag aaral yung mapapangasawa ko at kasing edelad ko pa daw

Love You So Bad |DonKiss|Where stories live. Discover now