Family Dinner

1.1K 55 5
                                    

Once: Family Dinner

Kristen's Point of view

"Dons!" Sigaw ko kay Donny dahil iniwan niya ako doon sa loob ng room kanina kailangan ko pa tuloy mag tatakbo para mahabol siya.

Agad naman siyang humarap sa akin ng marinig niya ako at para siyang slight nagulat.

"Oh? Bat ka sumunod?"Tanong ni Donny at lumapit sa akin, nagulat nalang ako ng ayusin niya yung buhok ko at kunin sa kamay ko yung mga paperworks na hawak ko "tumakbo ka pa, napagod ka tuloy"Saad ni donny at ngumiti.

Shet Kirsten bakit ka nagkakaganto? Si Donny lang yan, natural na gentleman.

Agad kong iginalaw yung ulo ko"Ah. Kase ganto yun. Umalis sila mommy at daddy at si kuyaa chino naman ay hiniram yung kotse ko para sa research nila sa ibang lugar kase di pa nadating yung kotse niya and di pa siya nauwi. Wala akong kotse, pwede makisabay papunta sa restaurant? Malayo daw yun e. Mahirap mag commute papunta doon"Saad ko at ngumiti ng slight

May Family Dinner kase mga Pangilinan-Delavin mamaya narinig ko kayla mommy at daddy kagabi , sabi pa nga nila ay kasama daw buong pamilya ng Pangilinan at pinapasama naman ako ni Mommy at Daddy yun nga lang wala talaga akong masasakyan nasa trabaho pa sila.

Nagulat naman ako ng bigla hawakan ni Donny yung ulo ko at ginulo yung buhok ko. "Hay naku Kisses yun lang pala di ko nalang sinabi agad sa akin kanina di sana inantay kita, pinagod mo pa yung sarili mo"Saad niya at ngumiti na naman.

Shete bat parang may butterfly sa tiyan ko? Kirsten umayos ka nga!

Agad ko namang tinanggal yung kamay niya sa ulo ko at naglakad na "Tara"Saad ko at naglakad na papunta sa kotse niya sa ilang beses ko ba naman na sumakay sa kotse niya alam ko na na yun un.

"You'll changed first?"Tanong ni Donny at lumaki naman mata ko.

"Ikaw bahala, ikaw muna or ako?"Tanong ko pabalik.

"Daan muna tayo sa inyo so you can drop your things up and changed your outfit before we go to my condo so i can changed?"Tanong niya at tumango naman ako sa kanya.

Pagkadating namin sa bahay ay si Donny na ang nagdala ng gamit ko papasok ng bahay at dinala yun sa kwarto ko at bumaba na din siya agad para daw makapagbihis na ako.

5:00 na ng makadating kami niya mabilisan akong naligo at nagbihis ng damit.

Nagdress lang ako na mint green na floral and 2 inches na white shoes, isang sling bag na white lang ang gamit ko.

Pagkatapos nun ay nag lagay lang ako ng bb cream, concealer sa under-eye syempre. Naglagay din ako kilay, Lipstick at syempre di mawawalaang blush-on pagkatapos nun ay naglakad na ako pababa para makaalis na kami ni Donny.

"You look beautiful"Saad ni Donny at tumayo sa pagkakaupo niya.

Agad naman akong nagpaalam sa maid namin na aalis na kami at ganun din si Donny.

As usual, gentleman donny, gave his hand para alalayan ako sa pagbaba ng mini staircase papunta sa parking ng bahay at binuksan niya pa ang pintuan ng kotse for me.

Ilang minuto lang ay nakadating na din kami sa condo ni donny agad-ahad kaming umakyat ng condo para makapagpalit na din agad si Donny.

Malaki yung condo ni Donny pero pang isang tao lang talaga. Sala, one bedroom,kitchen pero malaki talaga

"I'll go wash up first ha?Manood ka muna ng Tv dyan or kuha ka ng food doon sa ref"Sabi Donny at dumiretso na sa room niya.

Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo ko at nagtitingin ng condo niya. May mga family picture sila sa sala niya at mukhang happy family din sila. He has 3 sister and one brother na halos magkakamukha silang lima.

Love You So Bad |DonKiss|Where stories live. Discover now