Halata
Siguro tama nga sila,
Hindi mawala ang kislap ng mga mata ko,
At lapad ng ngiti ko,
Sa tuwing nababanggit nila ang pangalan mo.Mahirap naman kasing itanggi,
Halata masyado sa akin,
Maski ako ay hindi na rin magtataka,
Kung susulyapan ko ang sarili sa salamin,
At mahuli ang sariling nakangiti.
BINABASA MO ANG
Cause Every Moment Is You
Teen FictionPara sa pag-ibig. Para sa mga nakatagong nararamdaman. Para kay Melton. Cause Every Moment Is You Date Published: December 5, 2023 Completed