6

289 14 0
                                    

Estranghero

Kung babalikan ko man ang unang pagkakataon na nakilala kita,
Marahil ay hindi ko na magawang matandaan kung kailan nga ba 'yon,
O, kung kailan nga ba talaga nagsimula ang lahat,
Kung kailan ang eksaktong araw na una tayong nagkausap,
O, kung ano ang mga bagay na napag-usapan natin.
Dahil sino ba namang mag-aabalang tandaan ang mga bagay na 'yon,
Hindi natin kilala ang isa't isa,
Isang buwan lang makalipas nang tayo'y magkausap ay bigla ka na lang nawala.

Ngunit, akalain mo nga naman,
Kung paano tayo paglaruan ng tadhana,
Nagising na lang ako isang araw na pangalan mo na ang laman ng notifications ko,
Ang hilig mo pang mag-react sa mga shared post ko,
Minsan pa nga'y tinatambakan mo ako,
Ngunit kung iisipin,
Masakit din para sa akin,
Babalik ka nang walang dalang paliwanag kung bakit bigla ka lang nawala.

Walong buwan na ang nakakalipas,
Pero wala ka pa ring tapang para kausapin ako,
Aminin mo nga,
Torpe ka ba o sadyang manhid ka lang?

Cause Every Moment Is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon