12

172 9 0
                                    

May Nakapagsabi Na Ba Sa'yo?

May nakapagsabi na ba sa'yo,
Kung gaano kaaliwalas ang iyong mukha kapag ngumingiti?
Kung gaano nakaka-engganyong tingnan ang iyong mata,
Maging ang manipis mong labi,
Ang tangos ng iyong ilong,
At ang hugis ng iyong kilay?

May nakapagsabi na ba sa'yo,
Kung gaano ka ka-perpektong tingnan sa mata ng isang tao?
Kung paano mo napapagawang mapalingon ang lahat sa gawi mo,
At kung minsan pa ay napapatawa mo ang mga ito sa korni mong mga biro?
Kung paano ka namumukod-tangi sa gitna ng dilim,
Na kahit ilaw lamang na nanggagaling sa buwan ay magagawa pa ring makilala ang hubog ng iyong katawan.

Pero, may nakapagsabi na nga ba talaga sa'yo?
Marahil ay may nakapagsabi na nga sa'yo,
Tungkol sa lahat ng bagay na gustong-gusto ko patungkol sayo,
Hindi ko naman sila masisisi,
Kung gaya ko ay mahulog din ang loob nila sa'yo,
Sino ba namang hindi,
Kahit sarili mo ay kusa mong mamahalin,
Kung nakikita mo lang ang sarili mo sa paraan kung paano ako tumingin.

Cause Every Moment Is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon