Chapter 2, Pamana
SHY
Nagising ako ng maaga ngayon dahil may tatapusin pa ako sa school. 3:30 am na at 7:00 am naman pasok ko. Dapat mga 6:00 nasa school na ko. Kailangan ko kasing ayusin yung stage para sa program namin.
Ginawa ko na ang morning routine ko. Pagkatapos ay pumuntang kusina upang makapag luto.
"Shy? Ang aga naman ng gising mo?" napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko boses ni mama. Lumapit ako sa kanya at nagmano.
"May aasikasuhin pa kasi ako sa school, ma" sagot ko dito. Ngumiti na lamang siya at tinulungan ako na mag luto.
Si mama lang ang kasama ko sinula ng paglaki ko. Sabi kasi ni mama na namatay daw si papa dahil daw sa sakit nito. Buntis si mama sa akin non ng mamatay si papa kaya hindi ko na siya naabutan. Tanging mga larawan lang niya ang nakikita ko. Nag iisa lang din akong anak kaya hindi din kami nahihirapan sa gastusin dito sa bahay o sa school pa man.
Tapos na kaming magluto ni mama para sa umagahan namin at baon ko. Dumeretso kami sa sala at doon na nagsimulang kumain. Tahimik lang kami ni mama habang kumakain. Hindi na bago 'to samin. Wala naman kaming masyadong pag uusapan kaya--
"Anak, may ibibigay pala ako sayo" huminto ako ng magsalita si mama. Bago pa ko makasagot tumayo siya at tumungo sa kwarto niya. Ano naman ibibigay niya sakin?
Bumalik na ulit si mama at nahalata kong may bitbit siyang isang kahon. Tiningnan ko naman siyang may halong pagtataka.
Binuksan niya ang kahon at halos napanganga ako ng makita ang laman nito. Isang kwintas na may perlas sa gitna. Kumikinang ito sa tuwing natatamaan ng ilaw. Hindi ito gaanong kalaki. Pero napakaganda at nakakahumaling.
"Wow! Ma, Where did you get it?" tanong ko dito. Natawa naman siya.
"Ibinigay sa akin 'to ni Froze bago niya ako pakasalan" nakangiting sabi nito. Yung tinutukoy niya atang Froze ay ang papa ko.
"Pero, bago pa siya mamatay ay binilin na niya sa akin na ipamana ko daw 'to sayo. Para kahit na wala siya at suot suot mo ito parang kasama mo lang siya." ramdam ko ang lungkot sa mga mata ni mama. Parang ilang Segundo na lang ay pwede siyang umiyak. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang likod niya.
"Then I wear it, mama. Para araw araw kasama ko si Papa kahit saan ako pumunta at ramdam ko na safe ako." Sabi ko. Ngumiti naman siya at tumayo upang isuot sa akin ang kwintas.
"Oh, diba anak? Ang ganda mo lalo!"
"Hahaha. Nambola pa! Salamat ma. Iingatan ko 'to." Napangiti ako at hinaplos ang perlas.
---
Patungo na ako sa school upang makapag simula na. Nang makarating na ako, nagtaka ako ng parang napakadami atang estudyante ngayon. 6:05 pa lang, andami ng pumasok. Hindi ko na lang ito pinansin at dumeretso na sa SSG Office.
SSG Office
"Good morning, Ms. Davis" bati sa akin ng President ng SSG na si Glhipsy Mahilum.
BINABASA MO ANG
Unbelievable Bodyguards
Teen FictionMapayapa lang ang buhay ko. May ordinaryong pamumuhay. Hindi man kompleto ang pamilya ko, kompleto naman ang mga kaibigan ko. Pero, lahat nagbago ng may Pitong nagsisi-gwapuhang mga lalaki ang kumatok sa bahay namin. At doon na nagsimulang masira a...
