Chapter 1, New Faces.
SHY
"Shy!! Shy!!" napalingon ako sa likod ng marinig ko pangalan ko. Nadatnan ko namang si Venus na hingal na hingal palapit sa akin.
'problema nito?'
"Oh? Ba't parang hingal na hingal ka?" tanong ko dito ng nakalapit na sa'kin.
Humingal muna to, habang nakahawak ang isang kamay nito sa braso ko.
"Ano, wait lang! Haaays! Jusko-- eto na--" medyo nainis ako dito. Pabitin pa kasi e.
"Hooo! Eto na nga, si Eun Jae! Napalaban na naman!"
"Sus! Yun lang pala--- What?!"
Agad kong hinila si Venus sa braso at halos patakbo na kaming naglalakad.
Talaga tong babaeng yon! Basagulera talaga!Paliko na kami sa isang pasilyo nang marinig ko na ang ilang sigawan. Kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko. Napatigil agad ako ng makita ang ilang estudyante dito. May lalaki at babae, pero mas marami ang mga babae. Natanaw ko naman kaagad sina Jasmine.
Agad akong lumapit dito.
"Jasmine! Ano na naman ba 'to?" tanong ko dito na may halong pagtataka.
Humarap ito sakin at ngumiti ng napakalapad. Tsk! Alam ko na naman tong pinasukan nila. Lalong lalo na si Eun Jae!
Lumapit ako sa mga nagkukumpulang estudyante. Dito pa lang, naririnig ko na ang mga bangayan ng nasa gitna.
"Ugh! You, b*tch! "
" If I'm b*tch?! You are loser!"
Hindi na ko nakinig pa. Agad akong nakipag siksikan sa mga nagkukumpulang mga estudyante. Makalapit lang sa gitna!
Ouch..
Hindi ko na pinansin kung sino mang umaapak ng paa ko, Basta makarating lang ako sa gitna.
"I'm not a loser!!"
"Yes, you are darling."
Nagulat ako ng makita ko ang kalagayan nila. Si Eun Jae nakapatong sa hindi ko kilalang babae habang nakasabunot siya dito.
"Eun Jae!" Tawag ko rito. Imbes na tumigil, pinagpatuloy lang niya ang ginagawa niya. Napakatigas talaga ng ulo.
Hindi na ko nag dalawang isip, lumapit na ako sa kanilang dalawa.
THIRD PERSON
Lumapit na si Shy kay Eun Jae at marahas na hinila ito palayo sa babaeng kaaway ng kaibigan niya. Hindi na ininda ni Shy ang sakit kahit na nahahampas siya ni Eun Jae dahil sa pangingi alam nito.
"Ano ba Shy?! Bitawan mo nga ako!!" Bulyaw sa kanya ng kaibigan. Agad din namang nagsilapitan ang dalawang kaibigan nila, na sina Venus at Jasmine. Lumapit ang dalawa kila Shy at inawat din si Eun Jae dahil gusto niya pang masaktan ang kaaway. Hirap ang tatlo na awatin si Eun Jae kaya ang kalaban na mismo ang lumapit kay Eun Jae at sinabunutan ito. Nagulat naman ang tatlo kaya napabitaw sila at sinugod ni Jasmine ang babaeng naka sabunot kay Eun Jae. Ganoon din ang ginawa ni Venus.
Samantalang si Shy naman ay hindi alam ang gagawin para maawat ang kaibigan. Dahil sa gulong sinimulan, naki sali na din ang mga estudyanteng na'roon.
BINABASA MO ANG
Unbelievable Bodyguards
Fiksi RemajaMapayapa lang ang buhay ko. May ordinaryong pamumuhay. Hindi man kompleto ang pamilya ko, kompleto naman ang mga kaibigan ko. Pero, lahat nagbago ng may Pitong nagsisi-gwapuhang mga lalaki ang kumatok sa bahay namin. At doon na nagsimulang masira a...