Chapter 4

23 2 0
                                    

Chapter 4, Stalker?

SHY

"Haaysss! Sa wakas! Natapos din!" dahil sa pagod ko napahiga na ako sa sahig. Yeah, we're finally done! Wew..

Napasulyap ako sa ginawa nila Glhipsy. Wow! Ang ganda. Rainbow color siya. Ang ganda ng kinalabasan lalo ng nilagyan ko ng kaunting bulaklak sa tuktok! Iloveit!

Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Halata sa kanila ang pagod. Si Blue naka higa na dahil din sa pagod. Si Phoenix naman, ayon! Tinitira na yung mga tinapay na natira. Ang takaw ah?!

Pero bigla namang sumagi sa isip ko yung manyak. Halos isang oras ng hindi pa nakabalik eh. Ano na kayang nangyari doon.

Tumayo na ako at ipinagpag ang sarili. Atsaka lumapit ako kila Glhipsy na kasalukuyang nakikipag tawanan kay Sage.

"Glhipsy, una na ako ah?" Paalam ko dito atsaka ngumiti kay Sage. Tinanguan lang nila ako at tuluyan na akong naka alis. Binalak ko namang dumeretso sa CR para maghilamos. Pero, sa bawat hakbang na ginagawa ko feeling ko parang may nakatingin sa akin. May mga kasama naman akong mga ilang estudyante kaya siguro isa sa kanila ang nakatingin sa akin. Asyumera ko 'te!

Pumasok na ako sa CR at dumeretso sa wash room. Nag hilamos na ako ng mukha at tumingin sa salamin. Doon ko lang din napansin ulit ang kwintas na binigay sa akin ni Mama. Napahawak naman kaagad ako dito. Sobrang ganda nito! Kahit na iisang perlas lang ito ay nakaka akit siya. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil feeling ko nasa tabi ko si Papa. Yeah, I'm feeling safe when I wear this.

Kumuha ako ng tissue na nakasabit sa dingding at pinunasan na ang mukha ko atska lumabas na ng Banyo. Pero agad akong napahinto ng may naghihintay pala sa labas. Anong ginagawa niya dito?

"Tawag ka ni Glhipsy." seryosong sambit niya at tinalikuran ako. Trip non? Medyo na weird'ohan  ako sa kanya. Pwede namang hinatayin niya na lang ako don sa stage. Pumunta pa talaga siya dito. Siguro, mamanyakan ako ng lalaking yun! Nako! Manyak talaga!

Sumunod na lamang ako sa kanya. Habang naglalakad, pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Halata sa paglalakad niya ang pagiging matipuno. Aaminin ko kahit na nakatalikod ang hot niya! Jusme! Bakit kasi may ganitong nilalang?

Nakarating na kami sa stage. Nagtaka ako ng madatnan kong andito ang ibang kasama nina Steel. Lumapit ako kay Glhipsy na kasalukuyang kinakausap si Blue.

"Oh, andyan na pala si Vice" rinig kong sabi ni Blue. Lumingon naman sa akin si Glhipsy. Nagtaka naman ako ng parang ang saya niya ngayon.

"Shy! May balita ako sayo!" masayang lapit niya sakin.

"Ano 'yon?"

"Pinayagan na tayo na magkaroon ng Field trip!" Hindi na ako naka sagot sa balita ni Glhipsy dahil nagtatalon talon na lang din ako sa sobrang tuwa! Halos tatlong taon na kasing hindi pinayagan ang school na 'to na magkaroon ng Field Trip dahil sa isang aksidente. Hindi ko naman alam kung anong nangyari nung araw na yun. Pero, ngayong pinayagan na ang school na 'to na magkaroon ng Field Trip, inaasahan ko na halos lahat ng estudyante ay sasama. I can't wait!

--

Andito ako ngayon sa Canteen. Hinihintay ko yung tatlo kong kaibigan. Nakasalubong ko kasi kanina si Jasmine na hintayin ko daw sila dito sa Canteen. Sila Glhipsy naman pumasok na sa Next Subject nila. Pati na din si Blue. Yung pito naman hindi ko alam kung saan na nagpunta yon.

Unbelievable BodyguardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon