Chapter 6, Behind
SHY
Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng ilang boses. Hindi gaano malakas, kaso rinig na rinig ko dito sa kwarto ko. Napabangon na lamang ako at napatingin sa orasan na naka sabit kisame ng kwarto ko. Alas syete na pala. Mga 9 pa naman pasok ko kaya makakapag handa pa ako. Inayos ko muna ang kama ko at pumunta ng sala.
"Good morning ma" bati ko kay mama na nasa sala na parang may kausap. Ako naman dumeretso lang ako sa banyo. Medyo ramdam ko pa ang antok sa sistema ko kaya parang Zombie pa ako kung maglakad.
Tinapos ko na ang morning routine ko at pumuntang sala. May kausap nga si mama. Kaso hindi ko naman alam kung sino dahil nakatalikod ito sa akin. Tatlo silang lalaki at naka pang uniform sila.
"Oh, gising na pala si Shy" Sabi ni mama. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya.
"Sino sil----"
"Good morning Ms. Davis." Halos mapatalon ako sa gulat ng makilala ko kung sino pala ang kausap ni mama. Teka? Totoo ba yung sinabi nila kagabi? Nanaginip lang diba ako? Whaaaaa!!
"A-anong gina-ginagawa niyo dito?!" Naguguluhang tanong ko sa kanila. Nandito ngayon sa bahay si Duke, Sage at Jett.
"Alam mo naman na diba kung bakit kami naparito?" Alam kong may pagka sarcastic ang tanong nun ni Jett. Pero hindi ko magawang sumagot.
Ibig sabihin, totoo nga? Totoo nga na babantayan nila ako? Na-na magiging bodyguard ko sila?
Alam ba ni mama 'to? Baka isipin niya na manliligaw ko 'tong mga gwapong nilalang na ito?
"Wag ka mag alala, anak. Alam ko naman ang dahilan kung bakit sila nandito" nagulat ako sa sinabi ni mama. Tumingin ako dito na may halong pagtataka. Wait? Alam niya? Paano? At bakit? Ang gulo!
"Ha? Wait! Teka lang ah? Ano bang meron? Bakit sinabi niyo na babantayan niyo ako kagabi? Bakit andito kayo? May alam ka ba mama? Explain niyo naman sakin! Oh my gosh!"
"Paano kami makakapag explain kung hindi matahimik yang bunganga mo kakatanong?" Halos malaglag ang panga ko dahil sa biglang pagsulpot ng lalaking 'to. Napaka bastos talaga!
Naglakad ito papalapit kay mama at nagulat ako ng kinuha niya ang kaliwang kamay ni mama at bahagya itong hinalikan. Bakit may pag ganon? Omyghad! Don't tell me? May gusto siya mama ko? Ang gulooooooooo!!!
"Haha. Mukhang gulat na gulat pa si Shy ngayon. Anak, umupo ka muna at ipapaliwanag ko ang lahat" pagpapakalma sa akin ni mama. Agad ko naman siyang sinunod. Umupo ako sa kabilang sofa. Kaharap ko ngayon ang apat na mokong. Habang si mama nakatayo sa gilid nila.
Ano kayang malalaman ko? Malalaman ko na may relasyon si Steal at si Mama? Omyghad! Child Abuse si mama ko!
THIRD PERSON
Halata ang pagkagulat ni Shy sa kanyang mga nalalaman. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat nyang magiging reaksyon na ngayon nalaman na niya ang katotohanan na nasa panganib na siya.

BINABASA MO ANG
Unbelievable Bodyguards
Dla nastolatkówMapayapa lang ang buhay ko. May ordinaryong pamumuhay. Hindi man kompleto ang pamilya ko, kompleto naman ang mga kaibigan ko. Pero, lahat nagbago ng may Pitong nagsisi-gwapuhang mga lalaki ang kumatok sa bahay namin. At doon na nagsimulang masira a...