Chapter 5, Unexpected!
SHY
Kasama ko ngayon si Venus upang mamalengke. Sa aming apat kasi siya ang mas close ko. Magkapit bahay lang kasi kami nito. Kaya kung saan man ako pumunta kasama siya. Pero kapag papasok hindi ko siya nakakasabay dahil nga sa laging late ito kung pumasok kaya nauuna na ako. Natandaan ko tuloy nung unang beses kaming nagkasabay. 6:00 dapat andon na kami sa school, jusko! Mga 8:00 na kami naka pasok! 7:00 na kasi nagising ang bruha at ang bagal pang maligo! Kaya ayun, hindi na ako sumabay sa kanya.
"Para saan ba 'tong pinapalengke natin, ha?" Bumalik ako sa wisyo ko ng marinig ko boses nito ni Venus.
"Wala lang. Para pang araw araw na pagkain. Ulam, almusal, tanghalian. Ganon!" Sagot ko at pinatimbang yung dalawang galunggong na pinili ko.
"100 po." Sabi nung tindero sabay balot ng isda atsaka binigay sakin. Inabot ko naman ang isda at inilagay sa bag na bitbit ko.
"Akala ko may pa-party kayo eh, ang dami kasi nito. Bigat na bigat na ko oh?" Umikot ang mata ko dahil sa reklamo ng bruhang 'to. Hinayaan ko na lang siya at naglakad patungong gulayan.
Tumigil ako ng nasa tapat ko na ang mga repolyo at ampalaya. Kinakapa kapa ko sila isa't isa. Masarap kasi kung fresh yung gulay. Para lasang lasa siya kapag iniluto na.
Nang makapili na ako. Inabot ko na ito sa tindera atsaka tinimbang.
"36."
Kumuha ako ng 50 pesos sa wallet ko at inabot kay ate. Kinuha ko naman na ang nakabalot na gulay pati na din yung sukli. Humarap ako kay Venus para iabot sa kanya yung gulay.
"Hindi na kasya, besh." Sabi nito habang tinitingnan yung dala dala niyang bag.
"Ganon? Ok." Nasabi ko na lamang.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Mag 10 na pala, kailangan ko ng umuwi. May afternoon class pa kasi kami, tsaka may quiz kami ngayon sa Math kaya ayoko umabsent.
Niyaya ko na si Venus na umuwi. Mabilis naman kaming naka uwi kaagad dahil halos malapit lang naman ang palengke sa amin. Pumasok na kami sa loob ng bahay at ibinaba lahat ng binili namin.
"Hays! Kapagod mag buhat ah? Anyway, asan si Tita?" Napatingin pa si Venus sa bandang kusina. Kahit ako tumingin din at pumunta doon. Wala namang tao dito sa kusina. Siguro, umalis yun. Tuwing Friday kasi umaalis siya. Sa kumare niya ata pumupunta.
"Umalis ata eh" salubong ko sa kanya at umupo sa sofa.
"Ganon? Sige, uwi na ko. Maghahanda na ako for school. Babye!"
"Sige, salamat!"
Nilagay ko na sa Refrigerator lahat ng binili namin ni Venus. Halos wala na kasing laman 'tong ref. Kaya inutusan na ako ni mama na bumili ng mga pwedeng kainin.
Umakyat ako sa kwarto ko upang tingnan kung may uniform pa ba ako, at buti na lang meron pa. Bago bumaba, nanalamin muna ako. Pinagmasdan ko ang sarili ko at inayos ang buhok gamit mga daliri ko. Napahalukipkip ako ng mapansin kong may kakaiba sa kwintas ko. Lumapit pa ako sa salamin upang mapagmasdan ang perlas. Nagulat ako ng biglang nagiging color Blue ito. Hindi masyadong color Blue, parang Sku Blue ganon. Nagtaka naman ako kung bakit nag iba. Ang alam ko kasi color White lang ito. Siguro ganito talaga 'to, nag iiba-iba ng color! Astig!

BINABASA MO ANG
Unbelievable Bodyguards
Teen FictionMapayapa lang ang buhay ko. May ordinaryong pamumuhay. Hindi man kompleto ang pamilya ko, kompleto naman ang mga kaibigan ko. Pero, lahat nagbago ng may Pitong nagsisi-gwapuhang mga lalaki ang kumatok sa bahay namin. At doon na nagsimulang masira a...