Chapter 3,
SHY
Pumasok na ako para sa First Subject. 20 minutes late lang naman ako kaya ayos lang. Hindi naman na ako nakinig sa discuss ni Ma'am Samonte dahil nga sa napag aralan ko na din naman iyan. Nag a-advance study kasi ako sa tuwing bored ako. Kung minsan ako na nagtuturo sa mga classmates ko sa tuwing wala si Ma'am Samonte. Anyway, Filipino Teacher siya.
"Ms. Davis?" Bumalik ako sa wisyo ko ng tawagin ako ni Ma'am. Tumingin ako sa kanya at sumenyas na lumapit ako sa tabi niya. Tumayo naman kaagad ako at lumapit sa kanya.
"Yes, po?" salubong ko dito.
"Mag aayos na diba kayo for program?"
"Yes, ma'am. Why po?"
"May nag volunteer kasi na gustong tumulong sa inyo."
"Talaga po ma'am? Sige po! Wait ko na lang po sila sa stage"
Tinanguan na lang ako ni ma'am at bumalik na ako sa kinauupuan ako. Natuwa naman ako sa sinabi ni ma'am! Mabilis lang namin matatapos yung stage dahil sa may gustong tumulong saamin.
--
Tumayo na ako sa kinauupuan ko ng mag bell na. Mag sisimula na kasi kami na ayusin yung stage, atsaka nakapag paalam naman ako sa next teacher namin na may aasikasuhin pa ako. Buti na lang pumayag.
Lumabas na ako ng classroom ko at naka salubong ko si Venus. Hindi kami magkaklase sa Filipino time. Tuwing Mapeh time lang kami mag kaklase.
"San punta?" Tanong nito at umakbay sa akin.
"Sa stage, mag sisimula na kaming mag ayos" sagot ko.
Humiwalay na kami ng daan dahil papunta na siya sa next subject niya. Ako naman dumeretso na sa stage. Nakita ko namang andon na ang ilang officer. Pero nahagip ng mata ko ang tatlong kalalakihan na kausap ni Glhipsy. Sino sila?
"Oh, sakto! Andito ka na." Salubong ng Treasurer naming si Ivy Blue Sarmiento, pero mas gusto niyang tawagin siya sa second name niya para daw mataray. Psh!
"Kanina ka pa hinihintay ni Glhipsy, ba't daw ang tagal mo?"
"Nag paalam muna ko sa next subject ko" tipid kong sagot.
Mukhang napansin naman ako ni Glhipsy kaya lumapit ito sa akin. Doon ko lang din napansin na ang tatlong kasama nya ay kabilang sa Pitong lalaking makalaglag panty. Phew!
"Buti andito ka na Shy, Anyway gusto pala nilang tumulong satin" atsaka nginuso niya ang tatlo. Namukaan ko naman sila.
"Yes, we're here to help you guys. Wala kasi kaming teacher sa second subject namin, so napag isipan naming tatlo na tumulong muna, para iwas din bored." Paliwanag ni Sage at ngumiti sa amin.
Napatingin naman ako sa mga kasama niya. Yung medyo weird para sakin na si Phoenix ay ang lapad ng ngiti. Nag iba naman kaagad timpla ng mukha ko ng makita ko 'tong manyak na 'to! Si Steel. Nakatingin lamang ito sa akin at----
Napatingin sa dibdib ko!!!!!!!!! WTF!!!
"Ho-hoy! Ikaw! Kanina ka pa ah! Bakit ba - ba panay sulyap mo sa - sa - sa dib - dibdib ko!?" Hindi ko na napigilan sarili ko at namumula na ako dahil sa kanya!!!

BINABASA MO ANG
Unbelievable Bodyguards
Genç KurguMapayapa lang ang buhay ko. May ordinaryong pamumuhay. Hindi man kompleto ang pamilya ko, kompleto naman ang mga kaibigan ko. Pero, lahat nagbago ng may Pitong nagsisi-gwapuhang mga lalaki ang kumatok sa bahay namin. At doon na nagsimulang masira a...