CHAPTER 4

8.2K 215 33
                                    

ISANG CHARITY ball ang dinaluhan ni Jane nang gabing iyon. Kung hindi lang siguro siya pinilit ni Vladimir na samahan ito ay nunca siyang pupunta sa pagtitipong iyon. Masyado kasi itong busy sa trabaho kaya naman wala pa din itong girlfriend hanggang ngayon. Ang siste, silang dalawa ni Natasha ang lagi nitong hinahatak kapag may mga events itong pinupuntahan. Ang kaibigan niya ay nagpaiwan muna sa Batangas dahil hindi pa din tapos ang leave nito sa pinapasukang ospital.

May tatlong araw na ang nakalilipas mula noong makita niya ang lalaking kamukha ni Terrence. Sa mga araw na iyon ay wala siyang ginawa kundi ang abalahin ang sarili sa pagpipinta. Sakto namang lumuwas siya ng Maynila para ipakita kay Vladimir ang ibang paintings na natapos niya.

She was really bored. Si Vlad ay nagpaalam saglit sa kanya dahil may nakita itong dating kakilala. Napagpasyahan niyang lumabas ng pavilion at magpunta sa may garden. Napapikit siya ng salubungin ng malamig na simoy ng hangin. She filled her lungs with the air.

Napagdesisyunan niyang pumuwesto sa may fountain. Nasasakal siya sa dami ng tao sa loob. She really hated crowded places. At least sa lugar na iyon hindi niya kailangang magpanggap na kaibigan niya ang lahat ng tao.1

Natigil siya sa paglalakad nang mamataan ang bulto ng isang lalaki na nakatayo sa tapat ng fountain na sadya niya. Her eyes roamed around his built. Bagay na bagay ang itim na tuxedo nito sa malapad nitong balikat. He must’ve sensed her stare because he turned on her direction. Napasinghap si Jane ng humarap sa kanya ang lalaki. Maliwanag ang buwan kaya naman kita niya ang kabuuan ng mukha nito.

“Terrence…” anas niya.

Pinagmasdan niya ang mukha nito. It was the same face she always saw in her dreams: liquid brown eyes, aristocratic nose, thin lips and strong jaw.

She took one step forward while never leaving her eyes on him. Natatakot siyang kapag pumikit siya at mawala ito sa paningin niya.
Another step.

Nang masigurong hindi ito produkto ng kanyang imahinasyon ay sinugod niya ito ng yakap.

Napapikit siya ng maramdaman ang init na nanggagaling sa katawan nito. Isa lang ang ibig sabihin niyon. “Oh, my God. Buhay ka nga!” Humigpit ang pagkakayakap niya dito. “Alam kong buhay ka, Terrence.” Tiningala niya ito. “Alam kong babalik ka.”

Blangko ang ekspresyon ng mukhang nakayuko ito sa kanya. “Who are you?”

ILANG SANDALING natigilan si Jane sa sinabi ng lalaki. Kumalas siya sa pagkakayakap dito pero nanatili siyang malapit dito.

“Terrence naman, huwag mo akong biruin ng ganyan,” saway niya dito. Paniguradong pinaglalaruan siya nito. Tulad ng madalas nitong gawing pang-aasar sa kanya noon.

“And why would I lie, lady?” kunot-noong tanong nito.

“Terrence…” Nagsisimula ng magtubig ang kanyang mata. “Huwag mo namang gawin sa akin ˋto.” Sinubukan niya itong hawakan sa kamay ngunit mabilis itong lumayo sa kanya. “I’m really sorry, Miss pero mukha yatang nagkamali ka ng taong nilapitan.”

Marahas siyang umiling. “No. I knew it was you. Noong nakita pa lang kita sa may hotel alam kong buhay ka. Please don’t do this to me, Terrence.”

Nakita niya ang pagkagulat sa mata nito sa sinabi niya na kaagad ding nawala. “I’m sorry, Miss but I don’t really know you.”

“Terrence, hindi mo ba ako natatandaan? Ako 'to si Jane.” Sinubukan niyang hawakan ito sa braso pero umatras ito.

“Xavier?” Isang magandang babae na nakasuot ng red cocktail dress ang lumapit sa kanila. “Kanina pa kita hinahanap. Akala ko iniwan mo na naman ako.” Umabrisete ito sa lalaki. Tsaka lang siya napansin ng babae. “Do you know her?” tukoy nito sa kanya.

Xavier, The Dark Prince (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon