CHAPTER 9

7.1K 186 2
                                    

"T-TOTOO BA? Ikaw si Terrence?" tanong ni Jane kay Xavier.

"Yes, it's true, ako at si Terrence ay iisa."

She sighed with relief. Nagsimulang mangilid ang mga luha niya sa sobrang saya. Tama nga ang pakiramdam niya na buhay si Terrence. Mabuti na lang at hindi siya sumuko sa paghihintay dito. "Kailan mo balak sabihin sa akin ang totoo?"

Malungkot siya nitong tiningnan. "To tell you the truth, wala akong balak sabihin sa iyo na ako si Terrence, Jane."

Nabura ang ngiti niya sa sinabi nito. "B-bakit?"

"Dahil matagal ko ng ginustong ibaon sa limot ang parteng iyon ng buhay ko, Jane. I hate being Terrence. He reminded me of how weak and helpless I am. Sa mga nakalipas na taon ay inakala kong makakalimutan ko na ang lahat ng tungkol sa nakaraan ko. Pinigilan ko ang sarili ko na sabihin sa iyo ang tungkol sa akin dahil alam kong manganganib lang ang buhay mo kapag napalapit ka ulit sa akin. Pero hindi ko magawang kalimutan ang pagmamahal ko sa iyo. I was planning on seeing you as Xavier del Rio. Gusto kong makilala at mahalin mo ako bilang si Xavier del Rio at hindi ang mahinang si Terrence Enriquez."

Isang sampal ang dumapo sa pisngi nito. "How dare you!"

"Jane listen-"

"No, you listen. Paano mo nagagawang sabihin ang mga bagay na 'yan, Xavier? Gusto mong kalimutan ang nakaraan mo? Pero paano naman ako? Parte din ako ng nakaraan mo, Xavier. Sinubukan mo din ba akong kalimutan?" Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng ilang sandali din itong hindi nakasagot. "Masaya ka ba sa mga ginawa mo? Sa loob ng halos sampung taon naging miserable ako nung inakala kong patay ka na. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang nangyari?" Hindi na niya pinagkaabalahan pang punasan ang luha "Muntik na akong sumunod sa iyo. Ten years, Xavier, or Terrence. Well I don't fucking care who you are now." Napailing siya at mapait na napangiti.

Hinaplos nito ang luhang kumawala sa mga mata niya. "Makinig ka naman sa akin, Jane," pagsusumamo nito.

"Sampung taon akong parang tanga na naniniwala na buhay ka pa habang ikaw naman pilit kinakalimutan ang nakaraan mo?" Ikinuyom niya ang palad at binayo ito sa dibdib. Nanatili lang itong nakatayo at tinatanggap ang mga hampas niya. Tumigil siya ng makaramdam ng pagod. "Hindi pa ba sapat ang sakit na naramdaman ko at nagawa mo akong saktan ng ganito?"

Itinulak niya ito. Nang makawala siya sa pagkakahawak nito ay tumakbo siya palabas ng silid. Dere-deretso siya sa kuwarto niya. Para siyang nauupos na kandila. Sumubsob siya sa kama at doon inilabas ang mga luha niya.

Hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Isang bahagi ng puso niya ang natuwa ng malamang buhay si Terrence. Ang isang bahagi naman ay hindi mapigilang masaktan. Bakit pa nito kailangang gawing kumplikado ang lahat. Ngayon pang tanggap na niya na hindi na talaga babalik si Terrence.

Marahas niyang pinahid ang mga luha. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. Nagpalit siya ng damit at nagmamadaling lumabas.

Palabas na siya ng salubungin sa isa sa mga tauhan ni Xavier. "Ihahatid na po namin kayo, Ma'am."

Bahagya lang siyang tumango. Bago siya sumakay sa naghihintay na sasakyan ay parang may humihila sa kanya na tumingala. Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib niya ng makita si Xavier na nakatanaw sa kanya mula sa bintana ng silid na pinag-iwanan niya dito.

Iniwas niya ang tingin dito dahil baka makalimutan niya ang sakit na nararamdaman at hindi niya magawang umalis. She needed some time to think.

Sumakay na siya sa backseat. She closed her eyes. Tila bigla siyang napagod sa mga nangyari sa kanya.

Xavier, The Dark Prince (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon