SPECIAL CHAPTER

6.2K 140 17
                                    

Good evening, guys! Nahalungkat ko sa files ko. ^_^ nakalimutan ko kung nalagay ko ba ito sa story ni xavier. Pero nandoon kasi siya sa Deleted scenes na folder ko. ^_^ Paano nga ba nagkakilala sina Xavier at Jane?

Dedicated and chapter na ito kay sherylllizada at sa lahat ng mga #TeamXavier

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

LINGGO ng hapon ng magpasya si Terrence na mamasyal sa may kakahuyan ng Hacienda Velez kung saan isa siya sa mga trabahador. Kasama ang asong si Jarvis ay tinungo niya ang gitna ng kagubatan kung saan may log cabin. Doon siya naglalagi kapag wala siyang masyadong ginagawa sa bahay o kapag ganoong wala silang trabaho. Mas nagiging payapa kasi ang pakiramdam niya kapag naririnig ang mga huni ng ibon at ang sariwang simoy ng hangin.

Ilang oras din siyang naglagi doon bago niya napagpasyahang umuwi. Hindi pa man siya nakakalayo ng bumuhos ang ulan.

“Halika, Jarvis, bilisan mo,” aniya sa alagang aso.

Tumahol ito bilang sagot. Naging mas mabilis ang paglalakad niya na nauwi sa pagtakbo ng lumakas ang buhos ng ulan. Nahinto siya ng biglang tumigil si Jarvis at bumaling sa may bandang kaliwa nila. kumawag-kawag pa ang buntot nito at tumakbo sa gawing iyon.

“Jarvis! Bumalik ka rito! Hindi diyan ang daan pauwi!” sigaw niya sa alaga na tila naiintindihan siya nito. Pero hindi ito nakinig sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang sundan ito. Marahil ay may nakita itong kuneho sa banda doon.

Saglit siyang natigil sa pagtakbo ng makarinig ng sigaw kasunod ng sunud-sunod na tahol ng alaga. Tinakbo niya ang kinaroroonan nito.

Naabutan niya si Jarvis na may tinatahulan sa likod ng isang puno. “Jarvis, anong-“ Hindi natapos ang sasabihin ng makita ang isang babae na nakahandusay sa may lupa. Dali-dali niya itong nilapitan.

Natulala siya ng makita ang kabuuan ng mukha ng babae matapos hawiin ang buhok na nakatabing sa mukha nito.

“Señorita,” hindi makapaniwalang sambit niya.

Kilalang-kilala niya ang babae. Mary Jane Velez, ang nag-iisang anak na babae ni Mayor Menandro Velez at apo ng may-ari ng Hacienda Velez. Sa Hacienda ito lumaki at nagkaisip pero sa Maynila ito nag-aral mula noong tumuntong ito sa kolehiyo.

Nasapo niya ang dibdib ng bigla iyong kumabog ng malakas. Ganoon ang epekto sa kanya kapag nakikita niya ito. Matagal na siyang may lihim na paghanga sa dalaga at kahit ano ang pilit niyang supilin ang nararamdaman ay mas lalo pa iyong umuusbong sa kanyang puso.

Nagkakasya na lang siyang pagmasdan ito sa malayo. Alam niyang wala siyang pag-asa na mapansin nito. Noong nasa high school ito ay marami na ang nagkakagusto dito. At puro mayayaman ang mga manliligaw nito. Samantalang siya ay isang hamak na trabahador lamang at hanggang high school lang ang natapos at walang anumang maipagmamalaki.

Pinagmasdan niya ang magandang mukha nito. Maamo ang mukha nito na tila sa isang anghel.

“Señorita! Señorita!” aniya at marahang tinapik ang pisngi nito. 

Unti-unti itong nagmulat ng mata. Ilang sandali siyang napako sa kinauupuan at hindi malaman kung ano ang gagawin.

Matapos ang ilang segundo ay bigla itong bumalikwas ng bangon. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya naman tumama ang noo nito sa ilong niya.

Narinig niya ang pagmumura nito samantalang siya ay gusto na ding mapamura habang sapo ang nasaktang ilong.

“Bakit ba kasi nakaharang ‘yung ilong mo?” inis na wika nito.

Xavier, The Dark Prince (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon