EPILOGUE

9K 227 18
                                    

After one year…

NAKANGITING pinagmasdan ni Jane sina Xavier at Clarence na abala sa pagpapaypay sa nilulutong barbecue. Nasa bahay sila ng mag-asawang Nicolette at Clarence. Hindi sila halos pinapagalaw ng dalawa kaya naman ang mga ito ang abala sa pagluluto habang sila ni Nicolette ay prenteng nakaupo sa may garden set.

Naging close na din silang dalawa ni Nicolette mula noong nagpakasal sila ni Xavier. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na kasal na silang dalawa ni Xavier. For the past months that they were together, he never fails to show her how much he loves her. Napatawad na din nito ang papa niya. Sa katunayan, paminsan-minsan ay bumibisita sila ni Xavier sa Bicol para ma-supervise ang ipinapatayo nitong pabrika.

Nakilala na rin niya ang mga miyembro ng Black Lotus noong kasal nila ni Xavier. Natuwa siya ng makilala ang nagsilbing pamilya ni Xavier sa loob ng halos sampung taon. Masaya rin siya na sumang-ayon na ang lahat ng pamilya sa Black Lotus sa suhestiyon nitong baguhin ang imahe ng organisasyon. Ngayon, kahit nananatiling lihim ang existence ng Black Lotus ay tumutulong na ito sa kinauukulan para mahuli ang mga bigating pangalan sa ilegal na droga, human trafficking at iba pang krimen.

Naikuwento na rin ni Xavier sa kanya kung paano ito naging si Xavier del Rio. And she was so proud of him.

“Ang cute nilang tingnan 'di ba?” anang katabi niyang si Nicolette. Tulad niya ay halata na din ang umbok nitong tiyan. Walong buwan na siyang buntis habang kabuwanan naman ni Nicolette.

Napangiti siya sa sinabi nito. “Sinabi mo pa. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito.” Naalarma siya ng biglang sapuhin ni Nicolette ang tiyan nito. “Jane, manganganak na yata ako.”
“Clarence! Xavier! Manganganak na daw si Nicolette!”

Humahangos na lumapit ang dalawa sa kanila. Hindi matatawaran ang takot at pag-aalala na makikita sa mukha ni Clarence habang nakikita ang sakit sa mukha ng asawa.

She gasped when she felt a searing pain on her body. Napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Xavier habang ang isang kamay ay natutop ang tiyan.

“Jane!”

“Xavier, m-manganganak na din yata ako.”

Natatarantang binuhat siya ni Xavier at dinala sa kotse. Magkasama sila ni Nicolette sa may backseat habang sina Clarence naman at Xavier ay hindi mapalagay sa unahan. Halos bulabugin ng dalawang lalaki ang ospital habang buhat-buhat silang dalawa ni Nicolette.

Hanggang sa delivery room ay hindi pa din mapalagay ang dalawa. Hindi binibitawan ng mga ito ang kamay nila ni Nicolette.

NAMUMUO ANG pawis sa noo nina Xavier at Clarence habang pinapanuod ang sakit na gumuguhit sa mukha ng mga asawa. Kung puwede nga lang ay sila na lang ang aako sa sakit na nararamdaman ng mga ito.

Pigil ni Xavier ang hininga habang nagle-labor si Jane. Mas gugustuhin pa niyang makipaglaban ng mano mano at harapin ang mga bala ng baril kaysa marinig ang hirap na sigaw ni Jane habang umiire ito. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang nanghihina habang mahigpit na hawak ni Jane ang kamay niya. Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang iyak ng bata. Para siyang nahihipnotismo habang tinitingnan ang bata.

“Congratulations, Mr. del Rio, it’s a baby girl,” nakangiting anunsiyo ng Doktor sa kanya.

Hindi niya napigilan ang pamamasa ng mata ng makita ang anak.

Nakita niya ang pangingilid ng mga luha ni Jane habang nasa mga bisig nito ang anak nila. Tumingala ito sa kanya. He smiled at her lovingly.

“I love you, Xavier,” Jane looked at him lovingly.

He kissed her forehead. “I love you more, love.”

He didn’t know what he had done right to have this wonderful family. But whatever it is he would like to thank Him for giving him a very loving wife and a very pretty daughter.

His little princess.

Xavier, The Dark Prince (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon