CHAPTER 32

7.5K 126 1
                                    

LORRAINE'S POV

"Kumain ka ng maayos." Tumayo si Jake at kumuha ng juice at tubig.

"Thanks" nakangiti kong sabi sa kanya.

After naming kumain. Pumunta muna kami sa may pool at garden upang makaglakad-lakad. Baka kasi di daw ako matunawan sa dami ba naman ng kinain ko heheheh.

"Alam mo kanina pa ako sayo naghihintay gumising?" Hanu daw? Tiningnan ko lang siya. Kanina pa siya naghihintay sa akin?

"Bat di mo ako pinagising?"

"Ok lang kasama pa rin naman kita ngayon. Bukas dapat mga 10am gising ka na at nakapag ayos ka na sa sarili mo."

"H-Ha?"

"May pupuntahan tayo" yun naman pala- ANO DAW? may pupuntahan kami? Wahhh! Mag dedate siguro kami hehehe.

"Where?"
"Secret. Sige na balik na tayo sa loob baka lamigin ka. Uuwi na rin ako"

"Ok" hinatid niya ako hanggang sa kwarto ko.

"Good night Loves" kiss sa forehead.
"Diba sabi ko sayo masanay ka na? Namumula ka na naman jan"

Agad akong napapasok sa kwarto ko. Kahiya.
At rinig na rinig ko ang tawa ng mokong. 
"Sige na ingat ka ha. Good night. Tawagan mo ako pagdating mo sa inyo" sigaw ko  sa kanya.

STEVE'S POV

ang sakit hanggang ngayon di ko pa rin tanggap.
. "Pare hinay-hinay para ka namang brokenhearted niyan" bulya sa akin Ni Drake.

"Pare ang s-sakit eh. Alam ko namang di kami pwede kasi may mahal na siyang iba at mahal din sya nito." Sabi ko  sa kanya.

Putcha! Kalalaki kong tao pinoproblema ko ang lovelife ko. Shit! Sa dinami-rami na pwedeng ipana puso ko dun pa talaga sa taong may mahal na din

"Masakit talaga yan pare pero kung nakikita mo namang masaya siya. Let her go. Dapat yung goal mo yung happiness niya."

"Sana nga pare kung ganun lang kadali pero once na nakita kong umiyak siya ng dahil sa lalaking iyon. Gagawin ko ang lahat para di na siya makalapit sa taong mahal ko"

Tinap niya lang ako. At nagpatuloy kami sa pag inum.
....

Palabas na kami ng Bar ni Drake ay may nakita akong kamukha ni Lorraine. At agad ko itong niyakap.

Nagulat ako ng yakapin niya ako pabalik. At agad ko siyang hiniwalay sa akin para tingnan. Na malik-mata lang pala ako.

Schoolmate ko ata ito. Kaya di ako nasampal.

"Sorry miss I thought ikaw yung babaeng ka kilala ko." Ngumiti lang siya sa akin.
"Ok lang alam kong may pinagdadaanan ka. By the way I'm Shaira, Shaira Gavarra" after niyang magpakilala ay pumasok na siya agad sa bar.

Shaira Gavarra? One of the role model of our school.

"Pare grabi ng tama mo sa babaeng mahal mo no? Pati ba naman sa di mo kilala eh ng yayakap ka. Hahahahaah. Lasing ka na siguro. Ako ng magda-drive"

JAKE'S POV

After a few minutes. Narating ko na rin ang bahay namin.

Agad kong dinanial ang number ni Lorraine

[Hello?]
"Hi Loves nandito na ako sa bahay"
[Buti naman. Good night]
"Good night too. I love you and have a nice dream with me" sabay end ko baka bunganga-an pa ako nun.

......

Maaga akong nagising kasi kailangan kong maghanda ng mga pagkain.

"Oh? Son where are you going?"
"On a date mom"
"Balita ko nililigawan ko ang anak ni Mrs. Montecillo" ngumiti lang ako kay mom bilang pag-sang ayon.

"Oh. Sige saan ba kayo? Bat ang dami mong niluluto?"
"Sa tagaytay mom dun sa Rest house natin."

"Sige ingat kayo. Mauna na ako sayo hijo may meeting pa kami ji Mr. Montecillo" Tumango na lang ako kay mom at nagpatuloy sa pagluluto.

Adobong manok-done
Shrimp-done
Carbonara-Done

Marami pa ang lulutuin ko. Kaya pinatawag ko ai yaya para tulungan ako sa pag hahanda ng mga ingredients.

Kasama ang barkada kaya dapat lang marami.

After 2 hours natapos din kami.

"Yaya. Paki ayos naman po niyan sa mga lagayan yung hindi matatapon lalo nayung Cake."
"Ok hiji ako ng bahala mag ayos kana malapit ng mag 9:30"

Shit! Di ko namamalayan ang iras kaya agad akong napatakbo sa kwarto ko para makapaghanda.

.....

"Yaya ok na po ba?"tanong ko sa kanya habang naka posing hahahah
"Walang pinagbago gwapo ka pa rin nandoon na rin sa sasakyan mo ang mga pagkain. Don't worry naiayos ko yun ng maayos" tumango na lang ako at dumiretso na sa kotse para matingnan.

.....

'Yo bro nandito na kami sa labas ng bahay nina Lorraine' text sa akin ni Drake

Di na ako nag abalang replayan si Drake. Agad pina andar ang kotse.

"Good morning Tita"
"Good morning din hijo. Naghihintay na sayo ang prinsesa mo. Akyat ka na lang doon" botong-bot talaga sa akin ang mommy ni Lorraine hehehhe.

"Sige po" agad kong tinungo ang kwarto niya.
Kakatok na sana ako pero agad itong bumukas.

"G-good morning L-Loves" nauutal kong sabi.

"Morning din. Alis na tayo? Nagtext nga pala sa akin si Steph kasama daw sila?"

Tumango naman ako sa kanya. Pinakuha ko muna sita ng extra damit. Baka makapagswimming kami doon.

Pagbaba namain nagpaalam na kami kay Tita.

"Yow guys kumpleto na ba?" Tanong ko sa kanila
"Hine walerkey si papa Steve" sagot sa akin ni Steph

"Nagkainuman kami kagabi bro. Parang akala mo ang bigat ng problima yun pala lovełife lang. Hahahaha. Nagka hangover siguro yun" tumango, naman ako. Nag offer sa akin si Drake na siya na kang daw ang magdadala ng sasakyan ko at doon na lang daw kami sasakay sa Van.

Kasama niya naman si Aubrey ang mokong parang dumadamoves sa bestfriend ni Love ha.

MY GENIUS PRINCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon