CHAPTER 38

5.6K 143 4
                                    

LORRAINE'S POV

"Love? Let me explain please?" Ayokong tumingin sa kanya baka kasi bumigay ako. Ako nga never niyang hinahalikan sa lips! Tapos sa iba grabi maka lapa. Tsss!

"L-Love? Hindi ko ginusto yun. Hinila lang ako ni Andrea please believe me"hanggang ngayon nakatitig pa rin ako sa sahig. Hindi ginusto? Lokohin niya lelang niya. Letse magsama sila ng Andrea niya

"Love? Magsalita ka naman oh? Please. I love you"

"I love you? Are dead serious for what are you saying Jake?! Kung magloloko ka naman lang sana di mo pinakita pa sa akin!" Di ko na napigilang di umiyak. Ang weak ko talaga. Nakakainis naman kasi ang mga lalaki ngayon di marunong makuntento.

"Love? Maniwala ka sakin hindi ko yun ginusto. Papalapit na ako sayo nun ng hilain niya ako bigla at halikan-"

"At nagpahalik ka naman? Sino niloloko mo? Ginusto mo yun! Kaya simula ngayon tapos na tayo at wag na wag ka ng magpakita sa akin" ang sakit parang di ko kayang panindigan ang mga sinabi ko ang sakit talaga. Nakatingin lang ako kay Jake ng unti-unting tumulo ang luha niya. Please Lorraine wag kang magpadala sasaktan ka lang niga ulit. Kailangan mong isantabi ang nararamdaman mo. Kung hindi ako lang ang iiyak sa huli.

"Love? W-Wag namang ganyan oh? Please? Ikaw lang a-ang mahal ko maniwala ka?"

"Please respect my decision. We're done so bye and thank you" pagkatalikod ko sa kanya dun na mas lalong tumulo ang luha. Shit! Ang sakit. Ang sakit pala pagnakikita mo ang taong mahal mong umiiyak.

Hindi ko kaya. Simula ng dumating siya buhay ang daming magandang nangyari. Napaluhod na lang ako sa hallway. Nawawalan ako ng lakas.

"" hey! Lor are you okay? "Hindi ako sumagot. Nagpatuloy parin ako sa pag iyak. Ganito ba talaga ang mundo?

"Shhh? What happen? Why are you crying Lor?" Inakay niya ako patayo. At inalalayan. Si Steve lang pala ang tumulong sa akin.

"Halika dun na tayo sa tahimik na lugar para mas maiiyak mo yang problima mo"

Hind na ako tumutol. Na karating kami sa garden ng architect building.

"What happened?"

"Si J-Jake. Nakita kong may kahalikang babae."

"Nag usap na ba kayo? Did you let him to explain?"

"Oo pero wala na akong balak na maki pagbalikan pa" umiyak na lang ako hanggang sa naging okay na ako

"Thanks pala Steve ha?"

"No problem. Walang sino man ang gugustuhin na makitang umiiyak ang taong mahal niya?" Hanu daw? Taong mahal? Don't tell me? No! No! Erase! Baka nagkakamali lang ako.

"Halika na nga. Ihahatid na kita sa inyo" buong byahe tahimik lang kami. Grabi ngayon ko lang nakita ang mata ko na namamaga na pala. Grabi ang epekto mo sa akin Jake.!

Nakakainis kang lalaki ka. Di ka pa nakuntento sa akin kung gusto mo ng halik bibigyan naman kita eh. Bat ka pa kasi nagpahalik sa hipong yun!

"" Lorraine? Okay ka na ba? Kanina pa kita tinatawag nandito na tayo sa bahay niyo "

Agad naman akong lumabas. Huhuhu kahiya ka talaga Lor!
Pagkatapos kong magpasalamat kay Steve. Pumasok na ako sa loob ng bahay at nandun silang halatang inaabangan ako.

"Please I want some rest. Bukas na tayo mag usap tungkol don. Kung pipilitin niyo akong bawiin ang sinabi ko sa kanya sorry but never!" Dumiretso na ako sa kwarto. At di ko na naman mapigilan ang sarili kong umiyak.

B-Bakit kasi! Bakit ka pumayag na magpahalik dun. Mahal na mahal pa naman kita. Pero ayokong magpakatanga baka masaktan lang ako. Tama na ang isang beses na saktan mo ako. Baka kasi pagpinatawad kita ulit-ulitin mo. Abusuhin mo pa ang pagmamahal ko sayo. Sorry kung ang sama ko. Kahit na mahal kita di ko kayang magpatawad. Alam ko maliit na rason lang yun. Pero di ko kaya ehh.

Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko Jake. Mag iingat ka palagi ha? My Genius Prince. I love you so much. Kung tayo talaga ang itinakda gagawa at gagawa ang tadhana para magtago muli ang ating mga landas.

N/a. Ang sakit nun.
Don't forget to vote and to leave a short comment. Thank you readers.

MY GENIUS PRINCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon