Chapter 7: Plan

33 0 0
                                    

Fae POV

Pagdating ko sa bahay ay gabi na mayroon na din yung mga gamit ng teachers ko mga papers at iba pa syempre mga gamit lang na kailangan sa isang office ang naroon. Wala sila malamang umuwi na gayong gabi na. Nagtuloy naman ako sa kwarto para magpahinga.

................

Monday nanaman kayat maaga akong gumising..

Kain...
Ligo...
Sipilyo...
Suklay...

Ready nako pagtingin ko saking relo 6:30 palang kaya nanood muna ako ng TV. Mga 6:40 akong pumasok pagdating sa room ay binati ako ng mga ilang classmate ko.

Good morning-bati nila
Good morning too mga honey-nakangiting kong tugon ang totoo nyan lahat sila tinatawag Kong honey ,darling,sweetheart etc. Babae man o lalaki Wala lang naman sa kanila yun pero mayroon din yung iba na binibigyan malicious pero OK lang.

Uy malapit na ang teachers day sa tingin ko gagawa tayo ng card para sa mga guro ganun kasi ginawa namin last year.-sabi nitong katabi ko.
May grade na yun para kailangan talaga nating gawin-tanong ko naman.
Ewan,bakit ayaw mong gumawa-tumingin ako sa kanya
Bakit ikaw gusto mo?-umiling naman sya
Dagdag nanaman yun na gawain full load na nga tayo.-sabi nya
Tama ka..-sang ayon ko nang pumunta sa harap ang adviser namin at magsalita.
Malapit na ang teacher's day at magkakaroon tayo ng program bilang paghahanda ay kayong mga studyante naman ang magplano sa program.-wika nito. Nag ingay naman ang buong klase nang isang klassmate Kong lalaki ang magsalita.
Kailangan pa yun ma'am eh ok naman yung magbigay nalang ng card wag na yung program.-nakita ko naman sumama ang timpla ni ma'am .hay. Heto nanaman tayo..Maya Maya nga ay dumada si madam eto ang isang ayaw ko sa guro nato remind sya ng remind paulit ulit din lang saka mabilis syang mapikon konting kamali lang eh Dada na sya ng Dada kahit sa kalagitnaan ng discussion.

Nagtiis nalang kami hanggang sa lumabas sya dahil may meeting daw sila kasama ang mga fellow teacher at inutusan kaming gumawa ng program.

Oh ano yung may mga magandang idea jan sabihin nyo lang.-sabi ng president. Napasigh nalang ako at nilabas ang headset ko sabay tulog sa may dest ko. Sinuot ko ang aking hood para matakpan ang headset baka kasi kunin nanaman nila eh bago nato.

~

Pagkalipas ng dalawang oras ay nagring na ang bell kaya nagsilabasan na ang iba para magmeryenda. Ako naman ay tumayo ako at pumunta sa harapan tinignan ang ginawa nilang program. Nang may naisip akong regalo sa kanila..

Lumabas ako ng room at nagtungo sa principal office buti nalang tapos na ang meeting nila at mag isang nagmemeryenda ang aming principal.

Oh bakit may kailangan ?-tanong nya
Uhm..pwede po ba tayong mag usap ukol sa teachers day -binitawan nya ang spoon na hawak nya at napatingin sakin.
Hindi ba,mga studyante na ang bahala dun anong problema-tanong nya.
Ah opo kami napong bahala sa program na magaganap ngunit may plano po ako pagkatapos ng program kung papayag po kayo ako napong bahala sa lahat.-tumango naman sya
Sige magsalita ka-ngumiti ako at umupo para makipag usap.

.....

Silent RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon