"Hija, I have a good news. Makuha ko na ang documents niyo na ipinagawa ko." Masayang anunsyo ni doc pagpasok niya sa sala kung saan kami nakaupo."Talaga po doc? Mabuti naman po kung ganoon." Masaya ko ring tugon dahil itong lang naman ang hinihintay namin para makauwi na rin kami sa pilipinas.
"Yes, kaya lang I change your name kasi hindi mo pweding gamitin ang Bea Jane Moncillo sa documents mo para safe." Pagbibigay alam ni doc.
"Ok lang po doc, ang mahalaga po ay makauwi kami. Anu nga pala ang name ko sa visa at passport?" Tanong ko.
"Bea Jane Ramos ang name na gagamitin mo, wife of Kent Ramon my nephew." Sabi ni doc sabay turo si Kent na nakikipag usap sa asawa ni doc.
Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig. Hindi naman kasi napalitan ang pangalan ko tanging apelyedo lang ang naiba.
At anu daw? Asawa ni Kent?
Di ko maiwasang kiligin pero OK lang kaya sa kanya?
Alangin kong tinignan si Kent dahil baka hindi nito gusto ang ideyang yun at magalit.
"Don't worry, siya ang may idea niyan. Nagrequest pa nga siya naipagawa kayo ng marriage certificate kahit fake lang para daw walang reason na maghilaway kayo pag dumating kayo sa pilipinas lalo na't buntis ka raw kaya dapat kasal na daw talaga kayong dalawa kaso hindi naman pwedi dahil may amnesia nga siya." Mahabang paliwanag ni doc na ikinalundag naman ng puso ko sa tuwa.
Ngunit bigla akong nag alala sa isiping uuwi na kami na pilipinas. Oo, masaya ako dahil makakauwi na kami ngunit natatakot rin sa kung anu ang naghihintay samin. Nangangamba ako kung ligtas na ba talaga kami sa sindikato at kung anu ang magiging reaksyon ng pamilya ko lalo na si papa. Medyo malaki na kasi ang limang buwang tiyan ko kaya isa ito sa rason na ninadali namin ang pag uwi ng pilipinas dahil pagtumapak sa amin na buwan ay baka hindi na ako payagang makasakay sa eroplano.
Isa pa ay hindi kami pwedi magtagal hindi sa ibang bansa na walang kahit na anung documents. Buti nalang at mayaman ang asawa ni doc at marami silang kakilala dito.
"Stop worrying, everything will be ok, lalo na kapag nasa tabi mo siya. I know na magiging mabuti siyang asawa at ama sa inyo ng magiging anak mo. Kaya kung ako sayo ay huwag mo na siyang pakawalan." Malalamlam na matang saad ni doc habang hawak ang kamay ko.
Sabagay, saka ko na iisipin kung andiyan na. Kailangan ko nalang magpakatatag sa ngayon at harapin ang lahat. Alam ko naman na makakaya ko ang lahat basta kasama ko si Kent.
"Maraming salamat sa lahat ng tulong niyo doc, kung hindi dahil sa inyo baka kung anu na ang nangyari sa amin." Maluha luha kong sambit at napayakap ako sa babaeng kaharap ko.
Malaki ang utang na loob namin ni Kent sa kanya at sa kanyang asawa. Napakabuti nilang tao na hindi nagdalawang isip na tulungan kami.
"Walang anu man, masaya akong nakatulong sa inyo at para ko na rin kayong anak. Isang linggo nalang uuwi na kayo ng pinas, mag iingat kayo doon ha. Kung kailangan nyo ng tulong ay tawagan nyo ako at wag niyo akong kalimutan pag totoong kinasal na kayo ha. Dapat ay ninang ako pati na rin sa anak nyo." Aniya na nakangiti kaya kahit forty three years old na ito ay mukha pa ring bata.
"I promise doc na magiging ninang kayo pagkinasal kami sa pilipinas." Dinig kong boses sa likod ko kaya paglingon ko ay nakatukod pala ang mga kamay nito sa sandalan ng inuupuan ko.
"Sige, aasahan ko yan pero handa naka ba sa pag uwi ng pilipinas Kent?"
"I'm ready doc, may kaunti na rin naman akong naipon sa loob lang ng isang buwan. Kahit papano ay makatutulong ito sa pagsimula namin ng bagong buhay sa pinas." Determinadong sagot ni Kent bago pinatakan ng halik ang ulo ko.
Walang araw na hindi ako nahuhulog ng paulit ulit sa lalaking ito dahil sa mga katangian nitong taglay.
Mula ng magising siya at nalaman ang kalagayan ko ay pinasok nito ang iba't ibang trabaho para makakita ng pera. Sa tulong ni doc at asawa nito ay napadali ang mga sideline nito lalo pa't ang dami nito alam sa mga bagay bagay kaya laking pagtataka ko kung paano ito napunta sa sindikato dahil kung ang kilos, pananalita, abilidad at karunungan nito ang pagbabasihan ay masasabi mong mataas ang pinag aralan nito. Kahit na gawain ng nurse at doktor ay may alam din ito.
Sa mukha, kutis at tindig naman nito ay parang anak mayaman o may lahi ito dahil napakakinis ng balat nito at naputi rin kumpara sa karaniwang pinoy.
-----
"Kent wag ka kasing magulo, sa isang araw na ang alis natin pero hindi pa ready ang gamit natin." Saway ko kay Kent na nakahiga sa tabi ko.
Sa kasalukuyan kasi akong nakaupo sa kama at nag aayos ng mga gamit na pinamili si doc para samin ni Kent dahil ni isang gamit ay wala naman kaming dala noong tumakas kami.
Pero ang gwapong mama na ito imbes na tulungan ako ay nanggugulo pa.
"Ikwento mo na kasi kung anu talaga ang nangyari." Sabi na naman nito sabay sindot ng tagiliran ko.
"Eh nakwento ko na naman sayo ang lahat ng nangyari dba."
"Nakwento nga pero edited naman, gusto ko yung buong kwento talaga." Pangungulit pa nito.
Jusko! Ang kulit kulit pala nito at ang pilyo.
"Sige na, o di kaya sagutin mo nalang ang tanong ko kung naulit ba at ilang beses-"
"Mahal naman eh, ang kulit kulit mo na ang pilyo mo pa." Namumula kong sigaw dahil hindi ko ata kaya ang kapilyohan nito.
Tinatanong ba naman sakin kung matapos ng unang beses na nangyari samin noong pinagsamantalahan ako nito ay kung masundan pa daw ba at ilang ulit daw dahil tulad ng sabi nito ay edited nga ang kwento ko pero hindi na naman kasi importanti yun at lalong hindi naman na kailangan kwento pa kung maraming beses pa itong naulit o mas tamang sabihin na talagang unulit ulit pa nito dahil sa kasipagan nito sa ganoong bagay.
Pero bigla kong natutop ang bibig ko ng marealize ang sinabi ko na ikinatahimik nito habang nakatanga sakin na nakanganga pa.
Bakit ba ang daldal ko, yan tuloy ay nabulalas ko ang tawagan namin dati pa.
"I like it." Bulong nito sa tainga ko kaya ramdam ko ang mainit na hininga nito na nagpataas ng balahibo ko sa batok.
"Huh?" Tanging tugon ko dahil sa naguguluhan ako kung anu ang ibig nitong sabihin lalo pa't di ako makapag isip ng maayos dahil sa masuyong maghaplos nito sa byewang ko at maliliit na halik nito sa leeg ko.
"I like hearing it when you called me mahal." Mapang akit pa nito sabi bago niya sakupin ang bibig ko na nagdulot sakin ng kakaibang damdamin.
Mula ng magka amnesia ito ang ngayon ko nalang muli na ramdaman ng ganito damdamin dahil sa mga haplos at halik nito.
Di ko man aminin ay namiss ko ang bawat halik at haplos nito kaya ngayon nagpa ubaya nalang ako.
.
.
.*****
Pacenxa na po sa mga mali maling type ko dahil hindi ko na nadodouble check ang gawa ko palagi. . .
Please don't forget to vote, comment and follow me.
Thank you. . .
BINABASA MO ANG
Moskova series #2: The Lost Playboy
General FictionHe is a well trained agent but he failed in his mission for the first time. He sacrifice himself for his family's safety. He was captured and he meet her. He was determined to escape with her to save her. Finally, he succeeded but he lost his me...