Chapter 6

2.3K 93 47
                                    


"Anak, hindi pa ba nakauwi ang asawa mo?" Tanong ni nanay habang dahan dahang palabas sa kanyang kwarto dahil kagagaling lang nito sa sakit.

Bumalik pala ang sakit nitong asthma noong bata pa siya, buti nalang andito na kami ni Kent nakatira ng sinumpong ito ng kanyang sakit.

Yun nga lang, unti unting nauubos ang perang naipon ni Kent dahil sa mga gamot ni nanay at iban pangangailang namin. Kaya naman, halos gabing gabi na kung makauwi si Kent dahil sa pagtatrabaho.

"Hindi pa nga po nay eh." Nag aalala kong tugon kay nanay.

Sa loob ng tatlong buwan ay hindi naging madali samin ni Kent ang buhay dito sa sitio na tinitirhan ni nanay. Pareho kaming hindi sanay na tumira sa maliit na kubo na walang malambot na higaan, walang aircon o electric fan.

Pero ni minsan ay wala akong narinig na reklamo kay Kent, katunayan ay gumagawa ito ng paraan para kahit papano ay maging komportable ako.

Malaki na rin ang tyan ko at sa susunod na buwan na ang kabuwanan ko kaya todo kayod si Kent para sa panganganak ko.

-----

Naalimpungatan ako sa aking pagtulog ng maramdaman ko ang pag higa at pagyakap ni Kent.

"Sorry mahal, nadisturbo ko ang tulog mo." Nalambing nitong sabi.

"Hindi, ok lang. Kararating mo lang ba?" Tanong ko sa kanya at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang aking daliri.

Hindi ko mapigilang maawa sa kanya dahil kitang kita sa kanyang mukha ang pagod.

"Oo mahal, pasensya na kasi pinaayos pa sakin ni kapitan ang sira ng sasakyan nito kaya ginawa ko na, sayang naman ang kikitain." Malumanay nitong tugon na may kaunting ngiti sa kanyang mga labi.

Mga ngiti na siyang nagbibigay lakas sakin tuwing pinaghihinaan ako ng loob. Si Kent kasi ang tipo ng taong kahit na nahihirapan o may problema at nakukuha pa rin nitong ngumiti sakin. Alam ko naman na ginagawa niya lang iyon para hindi ako mag alala.

"Hindi ka ba pinahirapan ni baby ngayong araw mahal?" Malambing nitong tanong habang masuyong hinahaplos ang aking tyan.

"Hindi naman mahal, mabait naman kasi ang baby natin." Nakangiti ko na ring saad.

Basta talaga ang baby na nasaloob ng tyan ko ang pag uusapan hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit mahirap ay excited na akong makita at mayakap ang anak namin ni Kent.

At totoong mabait ang baby ko dahil hindi ako nito pinapahirapan mula sa aking paglilihi.

Magalaw lang ito sa loob ng tiyan ko kapag ramdam nito na pauwi na ang kanyang ama at hindi ko alam kung paano pero palagi akong nagigising tuwing pauwi na o nakauwi na si Kent dahil ramdam ko ang paglagaw at minsan ay malakas na sipa ni baby.

Siguro ay excited ito sa pagdating ng ama dahil palagi itong kinakausap ni Kent tulad ng ginagawa nito ngayon na nasa tapat na ng aking malaking tiyan ang mukha nito at kausap si baby. At napapangiti ito ng malaki tuwing maramdaman ang sipa ng kanyang anak.

"Excited na akong makita siya mahal, siguradong napakagwapo ng baby natin." Masayang pahayag nito at nag angat ng tingin.

Napapangiting hinaplos ko ang kanyang gwapong mukha dahil sa unti unti na talagang nasasanay na siya magsalita ng purong Tagalog.

At ang balat nito ay hindi na rin subrang puti gaya nang dati dahil sa palagi itong bilad sa araw. Ngunit nakadagdag lang ata ng kagwapuhan nito dahil sa namumula nitong balat at hindi naman nangingitim.

"Tulala ka na naman sa kagwapuhan ko mahal." Nakangisi nito saad matapos akong nakawan ng halik sa labi.

Naiiling nalang ako sa kalokohan nito.

"Matulog na tayo, baka liparin tayo dahil sa subrang hangin." Natatawa kong sabi kahit napupula.

"Alam mo mahal, wala namang bayad pag inamin mo na patay na patay ka sakin eh-" nakakalokong sabi pa nito kaya tinakpan ko ang kanyang bibig gamit ang palad ko.

"Oo na gwapo kana mahal pero ang- . .KENT!!!" Pinandidilatan kong saway sakanya.

Pakiramdam ko nagtaasan lahat ng buhok ko sa batok dahil sa ginawa niyang pagdila sa palad kong nakatakip sa kanyang bibig.

Kahit na matagal na rin kaming nagsasama ay hindi ko pa rin maiwasan mailang at pamulahan sa mga pinanggagawa nito minsan.

Di ko aakalain na ang dating nakakatakot na lalaking nakilala ko ay may tinatagong kalokohan.

Kaya naman kahit na mahirap ang buhay namin ngayon ay nakakatulog ako na may ngiti sa labi.

-----

Nagising ako kinaumagahan na wala na sa tabi ko ang aking asawa.

Asawa.  . .

Ang sarap pakinggan, kaya sana dumating ang panahon na talagang maging totoong mag asawa na kami ni Kent.

Pero tuwing iniisip ko yan ay hindi ko rin maiwasang mangamba dahil mangyayari lang ang totoong kasal samin kapag bumalik na ang alaala nito.

Ang ikinakatakot ko ay baka iwan niya ako at bumalik sa kung saan ang kanyang tunay na mundo, sa kung anung buhay ang naiwan nito bago kami magkakilala.

Hindi ko kakayain yun, subrang mahal ko na si Kent.

Di ko mapigilang mapaluha dahil isiping iyon.

"Anak, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni nanay na nakapasok na pala sa kwarto na hindi ko namalayan dahil sa lalim ng iniisip ko.

"W-wala naman po nay."

"Nag-away ba kayo ng asawa mo?" Tanong nito muli.

Pero tanging iling lang ang aking sinagot dahil pinipigilang kong mapahikbi.

"Eh anu ang problema anak? Alam kong hindi ka iiyak kung wala problema." Saad ni nanay at umupo sa kama kaya imbes na sumagot ay napayakap nalang ako sa kanya.

Ilang minuto rin akong nakayakap lang kay nanay, siya naman ay tahimik lang na hinahaplos ang buhok ko at hinayaan lang akong umiyak.

Siguro ay alam nitong kailangan kong iiyak kung anu man ang dinadamdam ko para mabawasan ang bigat ng aking dinadala lalo pa't naging emotional ako dahil sa pagbubuntis.

"Natatakot po ako nay." Ani ko ng mahimasmasan.

"Natatakot saan anak? Andito lang naman kami ng asawa mo sa tabi mo palagi kaya anu ang ikinakatakot mo?" Malumanay na tanong nito.

"Yun na nga nay, nasanay na ako na andito kayo ni Kent sa tabi ko palagi pero paano pag dumating ang araw na bumalik na ang alaala niya at iwan niya ako. Hindi ko po kakayanin nay." Napapaluha kong pag amin kay nanay.

"Hindi ko alam kung anu talaga ang nangyari sayo noong nawala ka at paano at kailan kayo naging mag asawa ni Kent, pero anak nakikita ko naman ang pag - aalaga at magpapahalaga niya sayo kaya wala kang dapat ipangamba. Mabuting tao ang asawa mo at alam kong mahal ka niya." Sabi nito habang masuyong hinahaplos ang buhok ko.

"Alam kong mahal na mahal mo na si Kent pero hindi sapat ang pagmamahal lang anak,dapat ay buo ang tiwala mo sa taong mahal mo." Dugtong na sabi ni nanay.

"Buo po ang tiwala ko kay Kent nay, siya lang po ang tanging pinagkatiwalaan ko kahit noong mga panahon nasa panganib ako." Sagot ko nanay sabay tingin sa kanya.

Tanging ngiti lang ang isinagot nito pero alam ko ang ibig nitong sabihin.

Kaya kahit papanu ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ipinapahiwatig ni nanay na dapat ko lang pagkatiwalaan si Kent.

Hindi niya ako iiwan.... Hindi niya kami iiwan ng anak namin...
.
.
.
.
.

*****

Hello everyone, sorry baka di kayo masatisfy sa update, kasi di masyadong pinag isipan. Naisipan ko lang bigyan kayo ng update ngayon dahil masaya ako sa rank ng Mr. Nice Guy.. Hope na magustohan nyo pa rin. 

Please don't forget to vote, comment and follow me...

Thank you...

PS: daming errors kasi di na double check..

Moskova series #2: The Lost PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon