Chapter 4

2.6K 92 26
                                    


Paglipas ng ilang oras ay malapit na rin kami sa aming bayan.

Habang palapit ng palapit ang bus na sinasakyan namin ni Kent ay nadadagdagan ang kaba na aking nararamdaman.

Natatakot ako kung anu ang magiging reaksyon ng papa ko sa kalagayan ko ngayon. Hindi ako sigurado kung may alam na ba ito sa nangyari sakin pero duda ako dahil palagi naman itong abala sa mga bagay bagay na pwedi nitong pagkakitaan.

Ang ina ko naman at walang problema dahil alam kong maiintindihan ako nito.

Tahimik lang si Kent sa tabi ko hanggang makarating kami sa harap ng bahay ni papa. Pero mansyon na ang tawag ng mga tao rito sa amin dahil ang bahay ni papa ang isa sa pinakamalaking bahay dito sa lugar namin na napapaligiran ng malawak na lupain.

"Señorita Bea Jane kayo po ba yan?" Gulat na tanong ni mang Tony isa sa driver slash guard sa bahay ng pagbuksan niya kami ng gate.

"Opo mang Tony ako po ito-"

"Sus mariajosep, Bheng ikaw ba yan? Anung nangyari sayong bata ka? Subra kaming nag-alala sayo. Pati ang nanay mo palaging nagtatanong tuwing nagkikita kami." Humahangos na lumapit ni nanay Merlie, asawa siya ni mang Tony. Siya ang mayordoma dito sa bahay at siya ang tumatayong nanay nanayan ko dito. Bheng ang tawag nito sakin, sila lang ni nanay ang tumatawag sakin ng ganoong palayaw.

"Mahabang kwento po nay, nga pala, si Kent po asawa ko po." Pakilala ko kay Kent dahil kita ko ang pagtataka sa mukha ni nanay Merlie at mang Tony na nasa tabi nito hindi nakaligtas sa mata ko ang paghanga ng dalawang matanda ng makita ang mukha ni Kent na ngayon ay wala ng disguise kaya kitang kita ang gwapo nitong mukha.

"ANU?!! May asa-"

"Merlie!!! Anung ingay ba yan?" Naputol ang dapat na sabihin ni nanay Merlie dahil sa malakas na tinig mula sa loob ng bahay.

Kahit hindi ko nakikita ay kilalang kilala ko ang may ari ng boses na yun kaya ngayon palang ay halos mangatog na ako sa nerbyos dahil sa nakikita kung reaksyon ni nanay Merlie sa sinabi ko ay alam ko na hindi maganda ang magiging pagtanggap ni papa sa sitwasyon ko.

"B-bheng pumasok kana, iha-handa mo nalang ang sarili mo sa m-magiging reaksyon ng papa mo." Nauutal na sabi ni nay Merlie at bahagya pa akong tinulak papasok sa bahay. Si Kent naman ang nakasunod lang sa likod ko dahil bitbit nito ang mga gamit namin.

"Merlie bakit ang ingay nyo sa labas? Anung kaguluhan iyon?" Mauturidad na tanong ni papa na hindi man lang nag angat ng tingin mula sa binabasang dyaryo.

"S-señor, na-nakabalik na po s-si señorita Bheng." Dahil na narinig ni papang sinabi ni nay Merlie ay nag angat ito ng tingin at napatayo.

Pero bahagya akong napaatras dahil sa talim ng tingin nito sakin na ipinagtataka ko.

Sanay ako na palaging pinapagalitan ni papa tuwing sinusubukan kong suwayin ang gusto nito pero kakaiba ang tingin nito ngayon. Na para bang nakagawa ako ng napakatinding kasalanan.

Oo, alam kong matagal akong nawala pero hindi ko naman kasalanan na nakidnap ako.

"Mabuti naman at naisipan mo pang bumalik." Madiing sambit ni papa habang papalapit sakin.

"Pa, sorry po kung matagal akon-"

Paakk!!!

Pinutol ng isang malakas sa sampal ang dapat kong sabihin.

Halos mamanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagsampal sakin ni papa kaya hindi ko maramdaman ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko.

"Wala lang kwentang babae-" Napapikit ako ng muling iangat ni papa ang kanyang kamay para sampalin ako muli ngunit wala akong naramdaman na kamay na dumapo sa mukha ko kaya nagmulat ako ng mata pero ganoon nalang ang pagkabigla ko na makitang mahigpit na hawak ni Kent ang kamay ni papa.

Moskova series #2: The Lost PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon