Chapter 8

3.1K 112 108
                                    

"Mahal umuwi ka ng maaga ha, may paparating daw na bagyo sabi sa balita." Paalala ko kay Kent bago ito umalis dahil magdedeliver sila ng mga gulay at prutas sa bayan.

" Oo Mahal, wag kang mag-alala uuwi ako nang maaga mula ngayon lalo na't sa susunod na linggo ay manganganak kana." Nakangiti nitong tugon at humalik sa noo ko bago sa aking tyan.

"Ingat sa pagmamaneho mahal."

"Syempre naman, sige na alis nako. Ikaw mag-iingat ka sa paggalaw galaw dito sa bahay ha at wag magpakapagod." Bilin ni Kent habang naglalakad palabas ng bahay at ako naman ay nakasunod sa kanyang likod para ihatid sa pintuan.

"Ipaalam mo na rin ako kay nanay." Pahabol pa nito.

"Opo, ako na po ang bahala."

Dahil sa sagot ko ay napalingon ito sakin at tumigil sa paglalakad at mataang tinititigan ang nakangiti kong mukha. Ewan ko ba, minsan ang weird ng asawa ko dahil bigla nalang akong tinititigan ng malalim lalo pag nakikita ako nitong nakangiti.

"Mahal, alis na. Naghihintay na ang mga kabaryo natin." Taboy ko sa kanya.

Ngumisi lang ito sabay kindat bago tumalikod kaya napailing nalang ako sa kalokohan nito.

Nang makaalis si Kent ay naghanda naman ako ng almusal na dadalhin kay nanay. Maaga itong umalis para sumama sa mga maghaharvest ng prutas dahil minamadali nilang anihin lahat ng bunga bago dumating ang bagyo.

Buti nalang ay hindi sinusumpong ng asthma si nanay.

"Magandang umaga po sa inyo." Masaya kong bati sa mga kabaryo namin na abala sa pamimitas ng mga prutas.

" Magandang umaga din sayo Bheng."

"Napakaganda mo talagang buntis hija."

"Mukhang malapit ka nang manganak hija."

Iba't ibang komento ng mga kasamahan ni nanay.

" Salamat po, at oo sa susunod na linggo na po ang kabuwanan ko." Masuyo ko namang sagot.

" Bheng anak, bakit nag abala ka pa dapat ay nagpahinga ka nalang sa bahay. Malayo layo pa naman ang lalakarin mula sa bahay papunta dito." Nag aalalang sabi ni nanay ng makalapit.

" Ok lang ako nay, wag po kayong mag alala. Tsaka exercise na din po." Nakangiti kong sagot.

" Pasaway ka talaga anak. Paanu kung mapaanak ka sa daan habang naglalakad? Kaya lagi kang napaparusahan ng asawa mo kwarto nyo tuwing nagpapasaway ka eh." Naiiling na saad ni nanay.

Nanlaki naman ang mata ko at biglang namula ng maintindihan ang sinasabi nito.

Ngayon ko lang narealize na maririnig pala kami ni nanay mula sa kanyang silid dahil gawa lamang sa kawayan ang nagsisilbing dingding ang pagitan ng aming kwarto.

Kaya pala natatawa si Kent at minsan ay tinatakpan nito ang bibig ko kapag di ko mapapansing napapaungol ako ng malakas. At kung umaga ay napapangisi ito sabay kindat kay nanay na ikinaiiling ng isa na waring may alam sa kalokohan ng lalaking iyon.

"Oo dinig na dinig ko anak, Kaya di nako magtataka kung wala pang isang taong gulang ang anak nyo ay mabubuntis ka na naman-"

"NAY!!!" Saway ko kay nanay at pinandidilatan ito dahil sa subrang pagkapahiya nang marinig ko ang tawanan ng mga kabaryo namin.

"Sus, nahiya pa itong anak mo Edeth. Normal lang naman yan sa mag asawa bheng." Natatawang ani ng isa.

"At kaya pala lalong kang gumaganda dahil masarap magparusa ang asawa mo bheng." Humahagikhik na dugtong ni Rona, isang sa mga kababata ko kaya lalong nangamatis ang pisngi ko sapagkat muling nagtawanan ang iba.

Moskova series #2: The Lost PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon