Prologue:"He's already stable, any moment from now he will be awake." Nakangiting anunsyo ng babaeng doktor na sumaklolo at kumupkop samin ng lalaking kasama ko na kasalukuyang walang malay sa loob ng tatlong buwang pagkacoma nito.
"Thanks God, OK na po siya. Maraming salamat po sa lahat doc." Mangiyak ngiyak kong pasalamat kay doc.
"You're welcome, but kailangan mo ring magpahinga ng maayos ngayong ok na siya para magkalakas ka. Sige, maiwan ko na kayo." Paalam ng doktor.
"Sige doc, thank you po." Muli kong pasalamat bago ito umalis.
Mabuti nalang ay isang pilipino doctor na nakapangasawa dito sa Malaysia ang nakasagip sa amin ng magkaroon siya medical mission sa isang remote area sa tabi ng dagat dito sa Malaysia at dinala niya kami dito sa kanyang bahay.
Napaluha akong tinititigan ang malaangel na mukha ng lalaking makahiga sa kama. Maamu ang kanyang mukha kung natutulog ito pero noong unang kita ko sa kanya ay halos manginig ang buong katawan ko sa matatalim nitong tingin. At talagang napakagwapo nito ngayong wala na ang mga pasa at mga marka ng sugat sa kanyang mukha.
Isang siyang estranghero na sumagip ng buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya siguro ay miserable ang buhay ko ngayon o di kaya ay baka patay na ako.
Kaya kahit isang bangungot ang nangyari sakin ay nagpapasalamat pa rin ako sa diyos na ipinadala niya sakin ang isang anghel sa katauhan ng lalaking ito para ipaglaban ako sa mga demonya.
Hanggang ngayon ay nangingig ako sa takot tuwing sumasagi sa isip ko ang nangyari sakin, tatlong buwan ng nakalipas pero sinisikap kong magpakatatag at pinapanghawakan ko ang sinabi sakin ng estranghero na ito bago siya mawalan ng malay na ligtas na ako at poprotekhan niya ako hanggat siya ay nabubuhay. Kaya tuwing natatakot ako ay sumisiksik ako sa katawan niya kahit wala itong malay dahil pakiramdam ko ay ligtas ako basta nasa tabi niya.
-----
"Doc! Doc! He's awake!" Narinig naming sigaw ng nurse na isang ring pilipino at dito na rin nakatira sa bahay ni doc.
Nagmadali kami ni doc na nagtungo sa kwarto kung saan ang lalaki.
"Oh my God!"
"Finally!"
Sabay namin bulalas ni doc ng makitang gising na nga ito at ngayon ang nakaupo sa kama na kunot noong nakatingin samin.
Napatakip ako ng bibig at naluluhang pinagmamasdan siya na kasakalukuyang sinusuri ni doc.
Thanks God, gising na siya. Pipi kong dalagin.
"His vital signs are good and he's fully recovered." Nakangiting anunsyo ni doc matapos niyang icheck up.
Kaya di ko mapigilan sugurin ito ng yakap sa subrang tuwa. Hindi naman na ako naiilang sa kanya dahil mula ng magtagpo kami sa pinagdalhan samin ng sindikato at matapos mangyari ang lahat ay siya ang naging sandalan ko. Sa kanyang mga bisig ko naramdaman ang pinakaligtas na lugar.
"Salamat naman at gising kana." Masaya kong saad habang nakayapos sa kanyang beywang.
Pero biglang nawala ang tuwa at ngiti sa aking labi ng marahan niya akong tinulak sabay sabing. . .
"Who are you?. . . At sino ako?"
.
.
.
.*****
Ang unang patikim sa second series ng Fuentebella. . .
Sana po ay magustuhan niyo..
Please don't forget to vote, comment and follow me.
Thank you. . .
BINABASA MO ANG
Moskova series #2: The Lost Playboy
General FictionHe is a well trained agent but he failed in his mission for the first time. He sacrifice himself for his family's safety. He was captured and he meet her. He was determined to escape with her to save her. Finally, he succeeded but he lost his me...