Chapter 3

2.8K 107 22
                                    


Bea Jane POV:

"Sir do you need anything? Or you want some drinks?" Napasimangot ako ng marinig ang tanong ng babaeng flight attendant kay Kent.

Nakasakay kami ngayon sa eroplano papauwi ng pilipinas at kanina ko pa na papansin ang pagpapacute ng mga babaeng FA kay Kent.

Hindi naman ako selosang tao pero naman kasi naaalibadbaran ako sa mukha ng mga flight attendant na to, pangatlong na itong nagtatanong ngayon. Akala mo naman kung sinong VIP si Kent para asikasuhin nila ng ganito.

"Uhm, nothing miss. Thank you." Nakangiti namang tugon ng lalaking katabi ko kaya napailing nalang ako dahil mukhang nag-eenjoy ito sa mga ganito atensyon na binibigay sa kanya.

Siguro ang sanay na ito dati, hindi ko naman masisisi dahil talagang agaw pansin ang kagwapuhan nito. Dagdag pa na matangkad siya at matipuno ang pangangatawan. Pero anu pa kaya ang pagkakandarapa ng mga kababaehan kapag nakita ng mga ito ang katawan nito lalo na ang abs.

Pero bakit naman kasi kahit may salamin ito sa mata at naglagay ng pekeng nunal sa pisngi at nagsuot ng mahabang blonde na wig ay litaw pa rin ang kagwapuhan.

"Ikaw mahal, you want something?" Malambing na tanong nito at isiniksik ang braso sa likod ko para mama akbay sakin dahil siguro nakita niyang nakasimangot ako.

Tanging iling lang ang sinagot ko kaya mapaklang ngumiti nalang ang flight attendant at nagpaalam na umalis.

Ganito si Kent palagi, tila nababasa nito ang iniisip ko pati na ang kilos at pag nakita nito na hindi ko nagugustuhan ang mga kilos nito ay agad itong maglalambing. Kaya kahit naiinis ako minsan dahil halata na mahilig itong makipaglandian ay madali lang mawala sapagkat alam na alam nito kung paano ako nito aamuhin at lambingin.

Hindi na nakapagtataka kung dakilang playboy ito noong hindi pa nagka amnesia. Mula ng magka amnesia ko lang ito na pansin ang ganoong ugali niya dahil noon nasa sindikato pa kami ang palaging matalim ang titig nito o di kaya blanko ang expression nito at may pagkamisteryoso.

-----

"You look nervous mahal." Puna ni Kent na pinipisil pisil ang kamay ko na hawak nito.

"Natatakot kasi ako kung anu ang mangyayari satin at kung anu ang naghihintay satin dito sa pilipinas." Pag amin ko sa kanya.

Habang papalapag ang eroplanong sinasakyan namin ay parang tunatambol sa kaba ang puso ko.

"Don't be afraid, I'm always be at your side. I won't let anything bad will happen to you. I will protect you and our child." Sincere na sabi nito at masuyong hinaplos ang mukha ko.

Hindi ko naman maiwasang titigan ang gwapong mukha nito lalo na ang magagandang mata nito na kulay light brown na kapag tinititigan mo ay para kang malulunod. Kahit wala itong maalala ay hindi mo makikita sa mga mata nito ang kawalan ng buhay, hindi mahahalata na may kawalan ito sa kanyang pagkatao.

At ang madalas nitong pagsalita english nito ay lalong nagpapalakas ng pakiramdam ko na may sinabi ito sa buhay.

"Salamat mahal, sana ay hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari at pwedi ba na iwasan mong magsalita ng english? Kasi probinsya ang pupuntahan natin baka lalo nalang makaagaw ng pansin ng mga tao doon." Isang iglap ay nawala ang takot na nararamdam ko.

Kaya kung wala si Kent sa tabi ko ay baka hindi ko na alam ang gagawin ko. Dahil siya lang ang may kakayahang makapagwawala ng takot ko, sa kanya lang ako nagtitiwala ng lubos. Siguro ay dahil sa lahat ng pinagdaan ko ay nagkatrauma rin ako kahit papano.

"Pangako, hindi kita iiwan. At ikaw din, sana kahit wala akong maalala ay hindi magsawa sakin. Lalo na at wala akong pera at wala akong kayang ibigay sayo kundi ang katawan ko lang." Animo'y seryoso nito sabi pero sinundan nito ng tawa.

Moskova series #2: The Lost PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon