Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Prologo: Basang - basa

101K 2.9K 623
                                    

With or without you

A novel written by:

xxakanexx

Damsel Series # 05

Prologue:

Naisip kong umuwi na lang. Mukhang wala naman kasing patutunguhan itong set – up date ng mga kapatid ko. Nakakalokong sa morgue pa ako pinaghintay ng Joy na sinasabi nila pagkatapos hindi naman niya kaagad ako maharap dahil kailangan niyang asikasuhin iyong mga dumarating na patay dahil sa aksidente sa hiway. Hindi naman sinabi nh mga kapatid ko na sa morgue nagtatrabaho itong ide-date ko tapos manager pa siya tapos sa Pangasinan pa. Kamusta naman iyong dalawang oras kong byahe tapos dito lang ako maghihintay sa labas, nilalamok at nagugutom na ako.

Nakahalukipkip ako sa may kotse ko at naghihikab. Gutom na talaga ako dapat yata hindi na ako pumayag sa ganito para makakain na ako. Gutom na gutom na ako, sobra, na baka makakain ako ng buong lechon. I yawned again. Uminom na lang ako ng baon kong tubig at saka humalukipkip muli. Tinitingnan ko iyong mga tao, sunod – sunod silang nagpapasok ng mga body bags sa loob ng morgue. I was just eyeing them.

"Boss." Tawag ko sa isang tao.

"Yes, Boss."

"May cr kayo? Naiihi na ako." Sabi ko.

"Oo boss, doon sa loob ng morgue. Pasok ka na lang tapos kaliwa."

"Wala bang iba?" Tanong ko.

"Doon sa santuario, pero madilim kasi." Paliwanag niya.

"Wala ba talagang iba?" Tanong kong muli. Napakamot iyong lalaki.

"Doon, Boss." Turo niya sa bahay na nasa itaas ng mismong morgue. Pwede na rin. May ilaw naman saka malayo sa mga patay – patay. "Pero bilisan mo, boss, baka makita ka ng amo namin, mapagkamalan kang magnanakaw."

Tinapik ko ang balikat niyat at umakyat na ako sa bahay na iyon. Tahimik naman ang paligid. Pagpasok ko ay salas agad ang nakita ko. Normal na bahay, may sala, sa sala may tv, may electric fan, mga pictures ng bulaklak at mga bahay – bahay na nakadisplay, may mga figurine sa isang glass cabinet. Mukhang normal naman ang nakatira dito.

Dumiretso ako, may isang lagusan sa kaliwa, puro pinto iyong nakita ko. Siguro iyon ang mga kwarto. Sa kaliwa ay may tatlong pinto sa lagusan rin. May nakita akong sign na parang inodoro, kaya naisip kong naroon ang cr.

Pagpasok ko ay madilim. Kinapa ko ang ilaw, bumukas naman iyon, kulay dilaw iyong ilaw, medyo aninag ko lang ang paligid kaya ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko ang mga manikang nakalagay sa glass cabinet.

Iba't ibang klase ng manika. May geisha dolls, annie dolls, trolls, bisque dolls, hopi kachina dolls ...

Nanlalaki ang mga mata ko. Pilit kong binuksan ang pinto pero na-lock iyon mula sa labas. Naglakad ako pala sa pinto.

Putang ina! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Ayoko sa manika! Tang ina! Tang ina! Tang ina!

Kakalakad ko ay napunta ako sa gitna ng silid. May malaking glass cabinet roon na may paddle doll. Iyong kulay itim na inaalay sa mga namatay sa Ehipto. Tang ina! Nanlaki pa iyong mga mata ko nang makarinig ako ng tawang na maliit pero napakalakas. Napalingon ako at nakita ko ang isang walking doll na naka-pang Alice in Wonderland na damit na lumalakad papunta sa akin.

Napasigaw ako.

"Ohhhh! Tang ina!"

Napatalon pa ako!

May umingit pa ng iyak na parang bata! May isang baby doll sa sahig. Lalo akong napasigaw. Nagtatalon ako na parang bata! Kakatalon ko ay napapaurong ako hanggang sa may mapadyakan akong kung anon ang tumingin ako ay napansin ko ang isang kulay black na kabaong.

My eyes widened when that coffin opened at mula roon may isang babaeng nakaputi na may belo sa ulo ang tumayo at tumingin sa akin.

"Mama! Mama ko!" Sigaw ko sabay takbo. Lumingon ako at nakita kong sinusundan ako noong babaeng galing sa kabaong. Sinikap kong makalabas. Kitang – kita kong inaabot niya ako at sa takot ko, bumigay ang pantog ko. Kasabay noon ay nabuksan ko ang pinto. Mabilis akong tumakbo pababa ng bahay na iyon pero pagdating sa baba ay naharang ako ng isang body bag, lumabas ang kamay ng nasa loob at nakarinig pa ako ng pag-ungol.

Sa gulat ko ay tumakbo na ako papasok sa kotse ko. Nagmaneho nang mabilis hanggang sa makarating ako sa unang bayan ng La Union. Napahinto ako.

Tang ina. Basang – basa ang pantalon ko. 

With or without youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon