Sasama ako
Vincente Gael Gallardo III's
Tinawagan ko si Tim para papuntahin siya dito sa resort at nang masundo niya na si Biga. Miguel and Mariah put her inside a cottage. Binabantayan ni Mariah si Biga habang si Miguel at Sariel ay nasal abas, tulad ko at nag-uusap. Tapos na ang tawag ko kay Tim at ayon sa kanya ay papunta na siya dito. Sabi ko hihintayin ko siya sa entrance but I couldn't help but over hear what the two were talking about.
"Babalik na ako sa Funeraria." Sabi ni Sariel.
"No. Rap and Uriel are still here and you know how happy Mia Cara gets when all of you are here. Saka isa pa, hindi ka naman idedemanda noon. Siya ang nauna."
"Hindi naman ako natatakot na idemanda niya ako. Gusto ko lang bumalik na doon. It's so sunny and sunshine-y here. Hindi ako bagay dito..."
Miguel laughed. Tinalikuran niya si Sariel at sumunod naman ang huli. I just looked at them and I couldn't help but be amazed by this woman. Sobrang amazing niya nagdadala siya ng pampatulog sa pang – araw – araw na buhay.
My phone vibrated. Dumating na si Tim. Sinalubong ko siya at agad na dinala kay Biga. Nang makita niyang tulog na tulog ang kapatid niya ay saka siya bumaling sa akin.
"Anong nangyari?"
"Hang over." Sabi ko na lang.
"Bakit? Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Napasigaw siya kaya napatingin si Mariah sa amin. Galit si Tim. Magpapaliwanag sana ako nang maalala kong may ginawa rin nga pala siya sa kapatid ko.
"At anong ginawa mo sa kapatid ko?!" I hissed back. Bigla na lang siyang kumalma tapos ay napakamot ng ulo.
"Nagtatanong lang naman ako." Sabi niya sa akin. Lumapit siya kay Biga tapos ay binuhat ito. Lumabas kami ni Mariah. Sinusundan namin sila ng tingin. Napapailing ako.
"Anong problema mo?" She asked me.
"Bakit ganoon iyong hipag mo?" Tanong ko. Nagkibit – balikat siya.
"Sabi ni Miguel premature baby daw kasi si Sariel saka unexpected baby kaya ganoon. Baka daw nabagok iyong ulo noong nilagay sa incubator." Natatawa si Mariah. Inirapan ko siya. "Totoo namang iyon ang sabi ng asawa ko!" She laughed.
May kurot sa puso ko nang tawagin niyang asawa ni Miguel. Naiisip ko na naman kasi ang panghihinayang na mayroon ako para sa kung ano ang nagkaroon sa aming dalawa. Hindi na ako nagsalita, instead, I told her that I'd go home. Hindi na rin muna ako babalik sa resort para naman hindi masyadong masaling ang puso ko. Nahihirapan na rin naman akong sumaya kapag nakikita ko sila.The moment Mariah married Miguel, that special something between us faded away. It's just too sad. I just miss Mariah. Dati kasi pwede ko siyang kausapin at puntahan kahit na anong oras, ngayon naman, kahit puntahan ko siya, hindi pwede dahil naroon ang asawa niya. Sabi nga ni Mari Kris sa akin, wala na ako sa lugar kaya kailangan ko na rin ng distansya.
Nakarating ako sa bahay nang si Mona lang ang naroon. Hindi daw siya pumunta sa tinapahan ngayon dahil talagang masama ang pakiramdam niya. Nag-alala naman ako. Sailang buwan ni Mona dito, natutuhan ko na siyang mahalin bilang kapatid at kaibigan, what's not to love? Napakabait niya at nakakatuwang kasama.
"Gusto mo ba samahan kita sa ospital? Baka kung ano na iyan?"
Umiling siya. Kumakain na naman siya ng tinapa flakes. "Hindi na kasi baka dahil lang ito sa delayed ako ngayon. Mag-tatlong buwan na yata akong di dinadatnan kaya siguro sumasama na ang pakiramdam ko. Ipapahinga ko na lang." Wika niya pa.
BINABASA MO ANG
With or without you
General FictionCrossing paths with a funeral owner and embalmer is not included in the plans of Gael Gallardo. But as they spend more time together, Gael realizes that falling for Sariel Consunji isn't so bad after all. *** Still hung up on his past relationship...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte