Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter Two

51K 2.7K 742
                                    

Crossed

Gael Gallardo

"Birthday ni Mia Cara, invited ka ha."

Tuwing nakikita kong ngingiti nang ganoon si Mariah ay naiisip ko kung bakit ba hindi siya naging akin. Ang laki ng panghihinayang ko dahil nawala siya sa akin. Mahal ko talaga siya lalo na si Mia Cara. What's not to love about her? She is the mixture of everything, mabait, maalaga, mapagmahal, baliw, siraulo – she's like the ideal girlfriend all rolled into one.

"Love..."

Dumating si Miguel na karga si Maco. He kissed her. Napabuntong – hininga ako. Sayang talaga. Ako dapat iyon.

"What are you looking at?" Miguel Consunji asked me.

"Ah." Sabi ko na lang. "Wala, pre, papapirmahan koi to kay Mariah." Ibinigay ko iyong receipt kay Mariah tapos ay hinintay kong mapirmahan niya iyon tapos ay ngumiti ako. Tumalikod ako para bumalik sa truck. I took one good look at them and I realized that it should've been me beside her. Kung sana nagkaroon lang kami ni Mariah ng lakas ng loob para maipaglaban ang sa aming dalawa noon, sana ako ngayon ang kasama niya at hindi si Miguel Yabang na ito. Napakayabang. Akala mo kung sinong gwapo, mukha naman siyang hindi mate lalo na kapag nakikipagtitigan siya sa akin.

I drove away. Bumalik ako sa shop. Doon, natagpuan ko ang kapatid ko. Si Mona. Siya ang nag-aasikaso ng inventory sa ngayon. As usual, namamapak na naman siya ng tinapa. Madalas iyon, hindi ko alam kung bakit sarap na sarap siya. Dahil pa nga sa kanya, nakagawa kami ng tinapa flakes. Inuulam niya iyon, nakakatuwa kasi very supportive siya sa akin.

"Hi." I greeted her. Tiningnan niya lang ako sabay subo ng tinapa flakes.

"Inayos ko na inventory ninyo." Nakatawang sabi niya. "Dito muna ako. Baka make – up-an na naman ako sa bahay. May photoshoot sila ng mga items nila." She told me. Tumango lang naman ako. Naupo ako sa couch at tiningnan siya. Ang taba na ni Mona Lisa.

"Kamusta na kayo ni Timothy?"

"We're friends." Sabi niya.

"Nanliligaw daw siya."


"Sabi ko naman hindi pa ako handa. He asked me to a friendly dinner last night, we came up to his suit and in the elevator, he kissed me pero sinampal ko siya tapos nag-walk out ako kaya tumawag si Faith kanina at sinasabi sa akin na sobrang dami daw bulaklak sa bahay ninyo ngayon. Nakakahiya nga kay Uncle Vince."

"Okay lang kay Dad iyon. Hindi ko na itatanong kung kumain ka na, mukhang busog ka na." Wika ko matapos niyang tumayo. Medyo lumalaki ang tyan niya, sa dami pa naman kasi ng kinakain niya.


"Tang ina ka, bwisit." Sabi ni Mona sa akin. Tumawa lang ako nang tumawa. Bumalik na iyong driver para sabihin sa akin na ayos na ang pagkarga ng tinapa sa truck. Nagpaalam na ako kay Mona na aalis habang naglalakad sa hallway ay nasalubong ko si Tim.

Binati niya ako, nakalampas na siya nang pabalikin ko siya. Nakalimutan ko kasing binastos niya si Mona. Kaya pagharap niya sa akin ay sinuntok ko siya sa pisngi.

"Gago." I muttered saka lumabas. Sumakay ulit ako sa truck. Papunta kami ng Pangasinan ngayon dahil magde-deliver rin kami roon. May mangilan – ngilang palengke na nag-o-order ng tinapa namin. Nakakapagod itong negosyo ko pero masaya naman ako lalo na nakikita ko na iyong mga pinaghirapan ko.

Pagkakita ko sa arko ng Pangasinan ay napangiwi ako. Hindi ko alam kung paano ko makakalimutan iyong naranasan ko sa funeraria na iyon. Hindi ko na nga isinuot iyong pants na iyon. Itinapon ko na, quesehodang umuwi ako sa bahay nang walang pang – ibaba, basta wala lang makaalam kung anong nangyari sa akin, okay lang.

With or without youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon