Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter Three

50.8K 2.7K 1.1K
                                    

Nakatulog

Vicente Gael Gallardo III's

Happy Birthday Mia Cara!

Lahat masaya sa fairy tale themed na birthday ni Mia Cara. Ginanap iyon sa pinakamalaking hotel sa La Union at talagang maraming invited. I was one of those. Nakaupo ako sa table na laan para sa aming magkakapatid. I found myself looking at Mia Cara and Mariah again. I sighed. Napakaraming panghihinayang akong nararamdaman sa puso ko. Ang dami kong what ifs. Hanggang ngayon naman kasi may pagmamahal ako para sa kanya.

I tried moving on by dating other people, nakita ko nga ulit si Cindy pero wala, hinahanap ko iyong ugali ni Mariah sa kanila. Mariah has this certain warmth in her kaya lalo akong napapalapit sa kanya. Iyon nga lang, hindi na pwede dahil may Miguel Yabang na sa buhay niya. Ang mas masakit nakikita kong kung gaano siya inaalagaan ni Miguel at hinayang na hinayang ako.

"Anong meron?" Tanong ni Mari Kris sa akin.

"Wala." Sagot ko.

"Kuya, baka matunaw si Ate Iya," Sabi ni Faith.

"Ang ganda niya. Bakit di naging kayo?" Tanong naman ni Mona Lisa.

"Dahil para siya sa akin." Sabi bigla ni Abigale. Hindi ko napansing nakaupo na pala siya sa tabi ko. She was wearing an Ursula costume. Itim na itim siya. Ako naman nakapang – Peter Pan. Si Mona iyong babae sa Hunchback of Notre Dame iyong dalawa kong kapatid, Tinkerbelle. Ewan ko pa.

"Bagay iyong costume mo, pang – kontrabida. Lakas maka-unhappy ending." Komento ni Mari Kris. Hinarap ako ni Biga. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ipasok ang kamay niya sa costume ko para mahawakan ang dibdib ko. Bigla akong napatayo.

"Gael! Gael naman!"


"Have some dignity, Biga." Wika ko sa kanya. Nagtawanan naman ang mga kapatid ko. Umalis ako sa table namin at nag-ikot dahil hindi ako makahinga. Naroon na naman iyong babaeng iyon, pakirmdam ko, kinukuha niya lahat ng oxygen sa akin. I sighed again.

Nakita ko si Mariah sa tabi, nakaupo siya habang may feeding cloth na tumatakip kay Maco sa loob niyon. I smiled at her.


"Ano, kamusta?" I asked. Naupo ako sa tabi niya at saka ngumiti uli.

"Ito. Nagpapakain ng baby. Masakit nga kasi kinakagat niypng utong ko. Pero kapag iyong ama naman niya hindi naman."

Nanlaki ang mga mata ko. She giggled.

"Ang conservative. Bakit, virgin?"

"That is something else, Mariah. But I am glad you're okay now. I just...missed you a lot. I feel like I don't see you anymore."

"Lagi ka namang nagpupunta sa resort. Anong gusto mo?" Nakangusong tanong niya. Gusto kong sumagot nang siya pero pinigil ko ang sarili ko.

"Nasaan ng apala si Macang?"

"Nadoon sa harap, kasama si Miguel. Pinapaakyat nga niya ako sa taas tutal tapos naman na iyong program proper baka daw kasi pagod na ako."

"Mahal na mahal ka ng asawa mo no?" Tanong ko kahit obvious naman na.

"Hindi naman gaano." Tumawa si Mariah. Bigla na lang niyang nilabas si Maco. Binigay niya sa akin iyong baby tapos inayos niya ang sarili niya.

"What are you doing here?" Narinig ko si Miguel Consunji. Tumingin ako sa kanya. Mukha talaga siyang constipated pero pinigilan ko ang sarili kong itanong sa kanya kung ilang araw na ba siyang hindi nadudumi.

With or without youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon