Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter One

76K 2.5K 859
                                    

Quirks

Sariel Aura Consunji's

"Boss, dumating na iyong kabaong na bago. Ipinasok na namin sa inventory."

Napatango ako habang sinisipat ang mga bagong dating na bangkay. Marami – rami na naman akong tatanggalan ng dugo. Iyong iba tinatanggalan ko rin ng laman loob tapos ibinebenta ko sa mga medical schools – iyong inaalisan ko lang naman ay iyong mga bangkay na walang nagke-claim. Hindi naman masama iyon, kung nandito lang rin sila, pagkakakitaan ko na sila. Business first before anything else, iyon ang motto ko.

"Mag-akyat ka ng sample. Ano bang deliver ngayon?"

"Iyong sheer po, Boss saka iyong metal casket. Linen po iyong loob."

"Iakyat mo iyong sheer. Itetest ko kung okay bang higaan."

"Opo, boss."

Tinanguan ko lang siya. Nang makalabas na siya ay nagsuot na ako ng gloves at mask sa mukha. Itinaas ko na rin ang buhok. Tiningnan ko iyong katawang nasa mortuary bed. Tulog na tulog siya. Ayon sa reports, nabangga ang sinasakyang kotse nito kaya siya na DOA. Lalaki ang katawan at ayon na rin sa features niyang nasira, parang may hitsura naman siya. Basag ang kanang pisngi niya kaya agad kong ni-note na aayusin ko iyon. Lalagyan ko ng plaster of Paris para mabuo ulit. Aayusin ko iyong bandang noo, medyo nasisilip ko ang utak niya.

"Okay, check vitals to prevent premature burial." Kahit DOA na ito, ginagawa ko pa rin iyong protocol. I checked the clouded corneas and his lividity. Walang reaction, waka na ring pulse. Patay na talaga. So very patay.

I did the next step. Nilinis ko iyong cadaver nang germicidal fluid at chemicals. Inalis ko lahat ng dumi sa katawan niya.

Sayang. Daks pa naman. Pero so very patay.

Matapos ko siyang paliguan ay inayos ko na ang mukha niya. May picture akong bigay noong pamilya kanina at iyon ang paggagayahan ko. Ang gwapo nga ni Kuya. Kaya lang so very patay na siya.

Inayos ko iyong basag niyang pisngi sa pamamagitan ng paglagay ng plaster of paris sa puwang. Hinulma ko nang parang tulad sa picture. As much as possible, gagawin ko siyang mukhang relax lang at natutulog para naman hindi gaanong sumama ang kalooban ng pamilyang tatanggap sa kanta mamaya. Nang mahulma ko ang pisngi ay ilong naman ang inayos ko. Ni-wire ko rin ang panga niya para hindi iyon bumuka – baka kasi isipin ng titingin ngumanganga pa si kuya. Inayos ko rin ang cleft chin niya saka iyong mga tainga. Lastly, tinahi ko iyong puwang sa noo niya saka ako nag-proceed sa next step – ang arterial embalming.

I am going to drain his blood while injecting embalming chemicals to his arteries. Bago ko gawin iyon ay binuksan ko muna ang speakers para makapagatugtog. I connected my phone and nit a minute later, music filled the morgue.

I played Madonna's Like a virgin. Sinasabayan ko pa iyon. May pasayaw-sayaw pa ako.

"Oohhhh oohhh....

You're so fine and you're mine

I'll be yours 'till the end of time

Cause me you make me feel...

Yeah you make me feel...

Like I have nothing to hide...

Like a virgin! Woah!"

Kasabay nang pagtapos ng kanta ay natapos na rin iyong arterial embalming na ginawa ko, sinunod ko ang hypodermic embalming para sa mga pa hard to reach places, after noon, ni-moisturize ko na si Kuya at nang tapos na tapos na siya ay ni-picture ko pa siya. Kailangan kasi iyon sa portfolio ng funeraria.

With or without youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon