"Hohemji! LRT wait for me. There lang you, here na me!" bulalas ni Angel habang nagmamadaling makarating sa LRT Station. Alam niyang 'pag di siya nakaabot sa LRT, sigurado ng male-late siya sa klase niya. Mahigpit pa naman ang professor niya sa isang art subject. Kaya as much as possible at as much as she can, hindi siya male-late. Ayaw niyang maging subject ng angst sa buhay ng matandang binatang prof niya.
Bitbit ang kanyang blank canvass sa kaliwang braso, isang bag ng kanyang painting paraphernalia sa kanan, at backpack sa balikat, tinakbo ni Angel ang hagdan paakyat sa LRT, umaasang hindi siya maiwanan ng tren. Ilang hakbang bago siya makarating sa destinasyon ay may isang walang puso't kaluluwang sumagi sa kanya. Nabitawan niya ang mga bitbit. At ang kinainisan pa niya, hindi man lang nag-sorry ang nakabalya sa kanya. Naglaho iyon na parang bula. Pambihira!
"Naman! Sa dinami-dami ng araw na sasagiin ako, bakit ngayon pa?!" bulalas niya. Akmang pupulutin niya ang mga nagkalat na gamit nang may isang binatang umeksena sa harap niya.
"Let me help you, miss."
Agad napatunghay si Angel at natulala. Parang tulad ng mga eksena sa romance movie o gaya ng mga nasusulat sa romance novel, tila huminto ang mundo niya nang makita ang binatang nagmagandang-loob na tulungan siya. Hohemji, my knight in shinning shimmering, splendid armor! Abala ang binata sa pagpulot ng gamit niya habang siya ay parang estatwa habang nakatitig sa gwapo nitong mukha.
"Here!" Nakangiting iniabot ng binata ang mga gamit niya.
"T-thank you." Wala sa sariling tinanggap niya ang mga gamit.
"You're welcome."
Napatango na lang siya. "Yeah, I'm welcome—"Welcome to my world, Mr. Fafaness!
"Huh?" Napakunot ang noo nito pagkatapos ay ngumiti uli.
Hohemji!
"I think I better help you out." Kinuha uli nito ang mga gamit niya. Doon na siya natauhan.
"Ay teka sandali!" Akmang kukunin niya ang gamit nang ngitian siya uli nito. Natameme siya.
"Don't worry, I can handle your things. At hindi naman ako mukhang magnanakaw di ba?"
Sa gwapo mong 'yan? Super hindi talaga. Sa wakas nakarating na sila sa waiting area ng LRT station. "Thank you ha." Kinuha pa rin niya ang gamit niya dito. "Pero hindi naman tayo magkakilala—"
He offered his hand to her. "That's not a problem. I'm Lowell. And you are?"
"Angel." She accepted his hand. Ang lambot ng kamay. Kutis pogi!
He smiled. Sa imagination ni Angel ay nagtata-tumbling na siya sa kilig nang bigla na lang may isang bwisit sa buhay niya ang sumulpot at sumira sa mala-paperback novel nilang eksena ni Lowell. Sadyang sa pagitan nila ni Lowell dumaan si Steven, ang lalaking numero unong panggulo sa buhay niya. Nakasabit sa leeg nito ang DSLR camera nito at bitbit naman sa kaliwa ang mga gamit nito sa photography. He was taking Bachelor of Fine Arts Major in Photography while she was into Bachelor of Fine Arts Major in Visual Arts and Design, both in fourth year, at same school— Krayson College of Communication and Arts. And now the devil is here.
"Lowell, pare. Tara na, baka maiwan tayo ng tren."
Magkakilala sila? Malas naman!
BINABASA MO ANG
Love Moves in Camera Ways (Published under PSICOM Publishing, Inc.)
Teen FictionAngel is always fond of the idea of love. Pangarap niya ang magkaroon ng bonggang love life. Muntik ng matupad ang dream love story niya nang ma-crush at first sight siya kay Lowell na nagkagusto naman sa best friend niyang si Josyl. Here comes St...