Chapter Nine

361 19 0
                                    

Alas-onse na ng gabi nang makauwi sina Angel mula sa recording. Ini-offer na nila kina Steven at Lowell na sa apartment nila magpalipas ng gabi dahil madaling araw ang start ng shoot kinabukasan. Pagod na ang lahat. Nasa pahinga mode na rin siya nang makaramdam siya ng call of nature. Nasa may kusina ang banyo ng bahay kaya kahit tinatamad bumangon ay napilitan siyang bumaba sa kusina.

Naabutan niya doon sina Josyl at Lowell na nasa kalagitnaan ng serious talk. Hawak ni Lowell ang dalawang kamay ni Josyl habang ang huli ay nakasandal sa ref. Baka nasa ligawan mode ang dalawa. Nahiya naman si Angel na umeksena kaya huminto muna siya at nagtago sa gilid ng pinto para di siya makita ng mga ito.

"Nakita mo naman di ba? Iyong way kung paano tumingin si Steven kay Angel? Sabi ko sa'yo, may love akong nase-sense. Ang hindi ko lang magets eh bakit hanggang ngayon, hindi pa nagtatapat ang torpe mong best friend,"sabi ni Josyl.

Na-curious tuloy si Angel. Of all the topic, bakit sila ni Steven ang pinag-uusapan ng mga ito?

"Baka dahil kay high school love. Si Steven, parang alien noong tinanong ko tungkol sa high school love niya. Nginitian lang ako. May hawak pa nga siyang pictures noong kausap ko siya. I thought those were photos of his high school love kaya sinilip ko. Ang nakita ko, pictures ni Angel. Nalaman mo na ba kung sino si Zac?"

"Negative. Hindi daw nakita ni Angel 'yong Zac na 'yon. Kailangan bukas mag-work ang plan natin. Konting push pa, magkakalakas ng loob din iyang best friend mo para magtapat sa best friend ko."

Nakita ni Angel na umiling si Lowell. "Why don't we just stop thinking about them for a while?"Niyakap nito si Josyl in a very sweet way. "Na-miss kita sweetie ko. Wala ba akong kiss?"

Sa gulat ni Angel ay humalik naman sa lips ni Lowell ang bff niya. Confirmed! Mag-jowa sila! Pero bakit ang pagkakaalam nilang lahat eh basted ang status ng mga ito? She had to know. Kaya bigla na lang siyang sumulpot.

"So ano iyong plan na pinag-uusapan n'yo love birds?"nakangising tanong niya. Parang napasong naghiwalay ang dalawa sa gulat. Tinawanan niya ang mga ito. "Huli kayo, love birds! Care to explain?" nakangiting hirit niya.

Umupo siya sa mesa at nakinig sa kwento ng mga ito.

"Okay, kami talaga. Hindi ko naman talaga siya binasted," simula ni Josyl. "Pero hindi 'yon pwedeng malaman ni Steven. Kasi may mission kami."

"Mission?"

"I-push si Steven to show off his feelings towards you,"sabat ni Lowell.

"At saan n'yo naman napulot ang idea na may feelings ang engkantong 'yon sa akin?"

"Alam na naming may gusto ka sa kanya—"

"Crush ko lang siya,"apila niya sa sinabi ni Josyl.

"Pareho lang 'yon, crush at may gusto," hirit nito. "Vocal ka regarding that. Pero si Steven, halatang may gusto sa'yo pero nganga. Puro siya selos kay Lowell and at end, inaaway ka pa para lalong mai-deny niya sa sarili niya na in love siya sa'yo."

"Kung gusto niya ako, dapat matagal na niya sinabi," hirit ni Angel.

"Torpe nga. Hanggang stolen shots na lang sa'yo," hirit ni Lowell.

"Paano mo nalamang may mga stolen shots ako sa camera niya?" tanong niya dito.

Nagulat ito at alam din niya 'yon. "Alam mo din 'yon?"Tumango siya. "Nakita ko lang yon sa mga gamit niya."

"Para saan ba ang mga 'yon?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ang mag-jowa. "Siya dapat ang magsabi sa'yo," tugon ni Josyl. "So ano game pa din tayo?"

Love Moves in Camera Ways (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon