Chapter Three

358 29 0
                                    


Wala sa sariling hinalo-halo ni Angel ang kape. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop ni Josyl. Nagpasama ito dahil kailangan daw nitong interview-hin ang may-ari ng shop para sa project. Hinayaan niya ang kaibigan na makapag-interview habang siya naman ay nakikipag-eye to eye sa glass wall. Hindi niya alam kung paano io-open up sa best friend ang tungkol sa crush niyang dito may gusto. Kailan kaya magkukwento itong si Josyl tungkol sa kanila ni Fafa Lowell? Hindi niya alam kung may pagsa-masokista siya, pero gusto niyang marinig 'yon dito. Gusto niyang malaman kung type din ba ni Josyl ang crush niya.

She sighed. Pinagpatuloy niya ang paghahalo ng mainit na kape.

"Wag kang kikibo."

That annoying familiar voice! Bakit ba sumusulpot itong si Steven kung saan siya naroon? Binalingan niya ito. He was handling his camera and was taking photos of her. "Ano na namang trip 'yan?"

"Wait! Sabi ng 'wag kumibo eh!" He took some shots again. Sinilip nito sa camera ang shots at nang ma-satisfy ay umupo ito sa tapat niya.

"Sana sinabi mong kukuhanan mo ako ng picture. Eh di sana nakapagpulbo man lang ako." Angel knew she was currently in her Haggardo Versoza look.

He was busy browsing pics on his camera. "Hindi mo naman kailangan pang magpulbo, anghel na walang pakpak."

"Dahil maganda pa rin ako kahit haggard?" biro niya. "Ganyan talaga 'pag pang-model ang beauty tulad ko."

He threw her an annoying look. "Nope." Pinakita nito sa kanya ang pics. "Hindi naman mukha mo ang kinuhanan ko. 'Yan lang kamay mong naghahalo ng kape."

Napangiwi siya. Akala pa man din niya ay trip nitong gawin siyang model. Nawasak na ilusyon lang pala. "Kahit na, kamay ko pa rin 'yan. Pang-model na kamay ko 'yan."

He just rolled his eyes. Ang arte talaga ng lalaking 'to. "Hindi ka ba busy?"

"Bakit? Gagawin mo akong mowwwdel?"

He rolled his eyes once again. "Isasako kita, remember?"

Painosenteng nginitian niya ito. "Pwedeng later na lang? You know, today I'm so tired and haggard from my eight hours painting sessions and I don't have the power to survive the moment you captivate me with your loving arms that will send me to heaven by a sack of rice," walang sense na sagot niya. "Uy, saan ka pupunta? May kinukwento pa ako!"

Bigla na lang itong tumayo at lumayo sa kanya. "You are insane! Nagugutom ako sa sinasabi mo." Dumiretso ito sa counter at um-order. Naiwan sa mesa ang camera nito.

Na-tempt si Angel na pakialaman ang DSLR nito. She admired Steven's talent in photography. High school pa lang sila ay magaling na itong kumuha ng mga pictures. "Ay paano ba 'to?" Na-overwhelmed siya nang makita ang kung anu-anong nakalagay sa screen ng camera nito.

Aminado si Angel na hindi siya techie person. Being someone who grew up in a not so financially blessed family, na-deprived siya sa mga gadget. Maswerte pa nga siyang nag-aaral siya ngayon sa kursong gustung-gusto niya at sa isang magandang school pa. Thanks to that scholarship she earned during painting competitions way back in her high school days.

Pinagpipindot niya ang mga buttons, trying to understand the functions of every key. Nagawa naman niyang ma-browse ang mga photos. Output of Steven's camera never failed her admiration to his craft. Bilang alagad ng sining, madali siyang humanga sa creativity ng kapwa niya pintor at visual artists. She continued browsing and saw set of photos having Mina, ang inakala niyang first love nito, as model. Maganda lahat ng shots ni Steven. For sure, makakakuha ito ng mataas na grade sa project.

Love Moves in Camera Ways (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon