"What's wrong with the people?" nagtatakang tanong ni Steven kay Lowell habang naglalakad sila sa hallway ng College of Arts building. Agang-aga, pakiramdam ni Steven ay ang wiwirdo ng mga nakakasalubong niya particular na ang mga babae at beki. May mga bumabati sa kanya sabay pa-cute na ngiti. At may sinusundan siya ng tingin na di niya mawari ang dahilan. Yes he was campus popular. Sanay siyang may mga bumabati sa kanyang kilala niya sa mukha at hindi sa pangalan. Pero ang insidente nang umagang iyon ay super kakaiba.
"Wala naman. Mas crush ka lang nila siguro ngayon kaysa kahapon?" biro ni Lowell.
Tiningnan niya ito masama. "Iyan ang effect ng pagsama-sama mo kay Angel. Kalokohan na lang din ang lumalabas sa bibig mo, pare."
Nagkibit-balikat ito. "Come on, dude. Hindi mo ba alam na mas talk of the campus ka ngayon?"
"Hindi. Bakit ba? Anong meron?"
On cue, Angel rushed over him. Usual ng ganito ito sa umaga. Tumatakbo sa hallway habang ang dami-daming bitbit. "Engkanto! Kunin mo 'to!" Inginuso nito ang kamay na may hawak na papel. Hindi nito maiangat ang kamay dahil may bitbit din itong canvass.
Napatingin siya sa kamay nito at kunot-noong kinuha ang papel.
"Listahan 'yan ng mga chicks dito sa campus with contact details. Pre-screen na 'yan. Mamili ka na ng liligawan mo nang matapos na ang deal natin at magka-love life na ako. Okay?" Nag-ring ang bell. Tumakbo na ito palayo sa kanila bago pa siya makapag-react.
Kunot-noong tiningnan niya ang list at napailing. Sineryoso nga ata nito ang sinabi niya. He actually didn't mean it. Wala lang siyang mailusot dahil hindi rin naman niya alam ang dahilan kung bakit niya ito inilayo kay Lowell. Ibinigay niya ang papel kay Lowell. Wala siyang oras mang-chicks. Isa lang naman kasi ang gusto niya, iyong first love niya noong high school. "Sa'yo na 'yan kaysa basurahan ang makinabang."
"Pero sa'yo to eh." Tiningnan din nito ang listahan. "Akalain mo, mas magaling pang kumuha ng cellphone number ng girls si Angel kaysa sa akin. Ayos ah, iyong number no'ng cute sa library kanina andito—"
Inagaw niya ang papel at inihagis na lang 'yon sa basurahan. On the second thought, mas magaling pa ngang basurahan na lang ang makinabang kaysa si Lowell. 'Pag nang-chicks pa ito, masasaktan si Angel. Kilala niya kung paano magka-crush si Angel. Daig pa nito ang nakipag-break sa boyfriend 'pag nalaman nitong na-boom friendzone ito ni Crush. And again, bakit ako nagbibigay ng concern sa babaeng iyon?
"Pare naman. Hindi mo man lang pinainit sa kamay ko ang listahan," reklamo ni Lowell.
"Ikaw na lang kumuha ng number ng crush mo. Kayang-kaya mo 'yan, p're."
Napakamot lang ito ng ulo.
"Dude, did you mean it when you said that you like her?"
"Si Angel? Hmm, I like her witty attitude. Masarap siyang kasama. But there's no attraction involved. I just like her company. Angel is pretty but, I am more attracted to Josyl."
Lagot! Nai-imagine na niya ang mala-MMK na pagdadrama ni Angel 'pag nalaman nitong hindi ito crush ng crush nito. "Then don't let her misinterpret your acts. Gusto ka no'n."
"And you are jealous, dude."
"No."
Tumawa lang ito. "Wala naman akong balak ligawan ang kahit sino sa kanila. I'm just enjoying. Ikaw kasi masyado kang seryoso sa buhay. Kelan mo pa i-enjoy ang presence ng mga chicks? Pag forty ka na? Come on, dude. lahat ng magagandang single chicks nasa college years."
BINABASA MO ANG
Love Moves in Camera Ways (Published under PSICOM Publishing, Inc.)
Teen FictionAngel is always fond of the idea of love. Pangarap niya ang magkaroon ng bonggang love life. Muntik ng matupad ang dream love story niya nang ma-crush at first sight siya kay Lowell na nagkagusto naman sa best friend niyang si Josyl. Here comes St...