Chapter Four

367 23 0
                                    

Wala na naman sa sarili si Angel habang nagpipinta sa wall ng isang building ng Krayson College of Communication and Arts. Bahagi 'yon ng project ng college nila. They were eight selected students chosen to do the project. Kasama silang dalawa ni Lowell sa napili. In return, automatic na uno ang grade nila sa tatlong subjects. Not bad na rin kaya umoo na siya sa project. Ang hallway sa fourth floor ng Mabuhay Building ang napa-assign sa kanila ni Lowell.

Araw ng Linggo. Akala ni Angel ay masosolo niya si Lowell pero nagkamali siya. Inimbitahan kasi nito si Josyl na sumama. Kaya ngayon ang drama, mukha siyang bidang naapi sa isang telenovela. Naging audience lang siya sa pa-sweet-sweet-an ng dalawa. Nawala tuloy sa painting ang atensyon niya. Bakit ang sweet-sweet nila? Kung makapagkulitan sila, parang wala ako rito. Nasa magkabilang dulo ng mahabang hallway sila. Hindi na niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero kitang-kita niya ang kiligan moments ng dalawa. Nabi-bitter siya. Bakit ganon? Ako naman ang unang nagka-crush sa'yo ah. Bakit hindi ako, Fafa Lowell? Baaakkeeettt?

Wala sa sariling isinawsaw niya ang kamay sa pinturang color dark blue at buong bitterness at wala pa rin sa sariling inihaplos niya 'yon sa wall habang bitter na bitter na nakatingin kina Josyl at Lowell na nagtatawanan... nagmo-moment of kilig.

"Wow, ang ganda-ganda ng ginawa mong wall painting," pang-aasar ni Steven. "Amazing!" Nag-slow clap pa ito.

'Yon ang nagpagising sa kanyang pagkawala sa sarili. Tiningnan niya ang ginagawa. Isang oras na siya doon pero tanging ang blue paint na kalat-kalat pa nga ang nadagdag sa puting pintura ng wall. Kailangan kong mag-concentrate. Pero bago 'yon.... Tiningnan niya ng masama si Steven ...bubuhusan ko muna ang lalaking 'to ng pintura. "Gusto mong maligo ng pintura?" asar na tanong niya rito. Inirapan niya ito at hinarap muli ang haligi.

"Hindi ka makakapagpinta ng ayos kung sa kanila ka naka-concentrate at hindi sa craft mo," sabi pa nito.

Inilublob niya ang kamay sa pintura at kinalat 'yon sa haligi. Inalala niya ang image na na-picture out niya nang titigan niya ang white wall na 'yon kahapon. "Hindi rin ako makakapagpinta ng ayos kung may demonyong engkantong daldal nang daldal sa tabi ko." Hindi niya alam kung bakit ito ando'n or kung ipagpapasalamat ba niyang ando'n ito. Wala naman siyang mapapala kay Steven. Aasarin lang siya nito at gagatungan nito ang pagka-bitter niya. On the second thought, okay na rin na naroon ito. At least may iba siyang mapagbabalingan ng atensyon para hindi ma-magnet nina Lowell at Josyl ang bitter eyes niya.

"Sweet nga sila, ano? Tsk tsk. "

Napahinto siya sa paglalagay ng blue paint at binalingan niya ito. He was looking at Lowell's direction. "Can you do me a favor, Steven? Tsupi ka muna, please? Kailangan ko ng katahimikan." Inilagay niya uli sa tenga ang earphones. She needed the classical music to boost her imagination.

He raised his hand that was holding a camera and took a stolen shot of her. "Okay I'll just take photos."

Napapailing na binalingan niya ang wall. Tama naman si Steven. Hindi nga naman siya makaka-concentrate kung papanoorin niya sina Lowell at Josyl. Ipinagpatuloy niya ang pagpipinta hanggang sa di niya namalayan na patapos na siya sa obra niya. Pasimpleng sinulyapan niya si Steven. He just made himself busy taking photos at hinayaan na nga lang siya. Napangiti siya. Iba talaga ang ugali nitong si Steven. Minsan masungit, minsan mapang-asar, minsan mabait. She remembered their 'close na close tayo' moment noong nag-model siya para sa project ito. Naramdaman niyang kumabog ang puso niya. Ano' yon? Kilig? Napailing tuloy siya.

"Wow, that is so amazing!" Lowell praised her while he walked towards her.

Amazing daw oh! Ayieee! "Salamat. 'Yung sa'yo, maganda rin." Ngingiti na sana siya ng may kasamang kilig nang kumontra na naman si Engkantong Steven.

Love Moves in Camera Ways (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon