Angel was busy getting herself ready for a date. The long wait was over. Dumating na ang araw na magkikita sila ng kanyang unknown, undetermined, and unidentified high school love. Pero something was wrong. Hindi na siya excited. Parang wala na siyang interes. Hindi na rin siya umaasa kung darating ang lalaking 'yon, kung sino man siya. Kaya lang siya pupunta ay para i-close na ang pages ng past tungkol sa Physics class penpal niya. Hindi na siya nag-expect ng love progress. She didn't care much about Zac now compared on how much she cared about him before. At kasalanan lahat 'yon ni Steven. Kung hindi naman ito naging crush niya, baka ngayon pa lang ay hindi na siya mapakali sa kilig at excitement sa pagkikita nila ni Zac. Come to think of it. Mula nang dumating sa buhay niya si Lowell, at parang ewang kontra nang kontra itong si Steven, nakalimutan na niya si Zac.
And speaking of the devil, she hate him now. Hindi siya maka-move on sa sinabi nitong isa siyang flirt. Ako? Ako na napaka-conservative, basta na lang niya sinabing isang flirt? Ang ganda ko lang kaya? Kasalanan bang maging maganda?
On cue, nag-ring ang phone niya. Dinampot niya sa kama ang cellphone. Si Steven ang tumatawag. She felt her heart became hyper. Pero dahil nag-iinarte mode siya para ma-realized nitong may kasalanan ito, hindi niya sinagot ang tawag. Itinapon lang uli niya sa kama ang nag-iingay na cell phone.
"Uy, sino ba 'yang tumatawag sa'yo? Kanina pa 'yan, ba't di mo sinasagot?" tanong ni Josyl. Umupo ito sa kama niya at nakisilip sa cellphone niya. "Uy si Fafa Steven pala ang tumatawag ah. Bakit di mo sinasagot? Warla na naman kayo?"
"Korekachu! Ang engkanto kasi 'yon! Sinabing pine-flirt ko daw si Lowell na in love sa'yo. Kaloka di ba?"
"Pagpasensyahan mo na lang si Fafa Steven. Alam mo namang seloso 'yon. At si Lowell, hayaan mo siyang humabol sa beauty ko nang matuto naman siyang maging one woman man."
"Isa ka pa, kaloka ka." Binalingan niya ito. "Wala ba siyang chance sa'yo?"
"Chickboy 'yon. Sakit sa bangs, bff."
Napangiwi si Angel. Parang oo na din ang ibig sabihin ng sinabi ni Josyl. Kawawa naman si Lowell. Mukhang mahihirapan sa best friend niya.
"So ano na ang plano mo kay Fafa Steven, bff?" tanong ni Josyl.
"Bibigyan ko na lang ng chance si high school first love kesa pag-aksayahan ng oras si Steven." Napasimangot siya. "Sayang, crush ko pa naman siya for the second time around."
"Waaaaaaah!"
Nagulat siya nang magtitili si Josyl. "Ano ka ba? Para kang echos dyan!"
"Kinikilig ako ng bongga, bff. Mahahalikan ko si Fafa Steven sa sobrang kilig ko!" Pinagtaasan niya ito ng kilay. Tumawa lang ito. "Uy, selos din. Joke lang. Sige na, sa'yo na siya—" Natigilan ito nang mag-ring uli ang phone niya. Still, si Steven pa rin ang tumatawag. "Uy, sagutin mo na..."
"Ayaw!" Humarap siya sa salamin. For sure tumatawag lang ito para mang-away at hindi para mag-sorry. Few seconds more, huminto na rin ito sa pagtawag. Nag-beep naman ang message alert tone ng cellphone niya.
"May message si Fafa Steven,"sabi ni Josyl.
"Pakibasa na lang. Maglalagay lang ako ng mascara." Mula sa reflection ng salamin ay nakita niyang binuksan ni Josyl ang cellphone niya. "Anong sabi?"
"Eto babasahin ko. 'Why are you not picking up? We have to talk about the exhibit,'"pagbasa ni Josyl. "May isa pang text. 'Okay fine! Kung ayaw mong makipag-usap, bahala ka.'"
BINABASA MO ANG
Love Moves in Camera Ways (Published under PSICOM Publishing, Inc.)
Teen FictionAngel is always fond of the idea of love. Pangarap niya ang magkaroon ng bonggang love life. Muntik ng matupad ang dream love story niya nang ma-crush at first sight siya kay Lowell na nagkagusto naman sa best friend niyang si Josyl. Here comes St...