"May tanong ako sa'yo—" korong nasabi ng dalawa sa isa't isa. Napatawa na lang tuloy sila.
Steven sweetly smiled at his date. Dinala niya si Angel sa Tagaytay gamit ang Honda CRV ng kanyang ina.Pero sa halip na dalhin ito sa mamahaling restaurant o sa park, inihinto niya lang ang dalang sasakyan sa tabi ng kalsada kung saan spotted ang magandang view ng Taal Lake. Binuksan lang nila ang likod ng sasakyan at doon sila naupo katabi ng picnic basket na punung-puno ng mga alam niyang favorite food ni Angel. Effort kung effort. Ngayon lang niya ito maide-date kaya tinodo na niya.
"Sige, ikaw muna,"sambit ni Steven.
"Bakit dito mo ako dinala sa Tagaytay eh andami naming painting session memories ni Lowell dito?"
Di niya naiwasang mapasimangot sa tanong ni Angel. Ang ganda na ng moment, nabanggit pa ang best friend niya.
Tumawa si Angel sabay siko sa kanya. "Sumimangot ka na lang, di mo na sinagot!"
Nakita lang niya itong tumatawa o nakangiti, sumasaya na siya. Lakas tama ka na, Steven. "Sabihin na nating gusto kong palitan natin ang memories n'yo ni Lowell sa lugar na ito. Tatabunan natin iyon ng mga memories nating dalawa. Gusto kong maalala mo ang lugar na ito dahil sa'kin at hindi dahil sa kanya."
She looked at him and grinned. "Nakikipagkumpetensya ka ba sa best friend mo? Ang haba naman ng hair ko niyan!" biro nito sabay tawa.
"Nope. I don't have to compete with Lowell. I know I'm a way better choice. Remember the choices I gave you before? Lowell is out of the picture. Kaya tigilan mo na ang pag-iisip tungkol sa kanya." He sipped his orange juice in can. "I will never allow him to play with your heart."
Umiwas ito ng tingin, ngumiti at bumaling sa taal lake view sa harap nila. "Your turn."
"That painting... why did you paint me?" Siya lang ang nag-ayos ng exhibit area dahil nagpapa-good shot siya dito. Ayaw niyang mapagod ito kaya pati paintings nito ay siya na ang nag-ayos. Hindi niya agad napansin ang painting na 'yon. Pero nang matitigan niya, saka niya na-realized na siya pala ang muse nito. As a visual artist, naunawaan niya agad ang meaning ng painting na 'yon.
"Kailangan ko bang sagutin 'yan?"
"Kung okay lang naman sa'yo."
"Ano bang interpretation mo sa painting na 'yon?" Binuksan nito ang isang sandwich at binigay sa kanya.
"Tungkol sa isang gwapo... ah no... super gwapo na lalaki na in doubt sa feeling niya towards doon sa girl na nasa malayo." Napatawa siya sa expression ni Angel. Kunot ang noo nito na parang mangangain na ito ng tao maya-maya lang. "Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" natatawang tanong niya.
"Tama na sana ang sinabi mo eh. Nilagyan mo lang ng konting kasinungalingan sa una." Then she laughed.
Heaven! Her soft laughs sounded like a sweet melody to his ears. Steven can't fight the feeling anymore. Bago matapos ang gabing ' yon, magtatapat na siya.
"So bakit mo nga ako dinamay sa biktima mo?" pangungulit ni Steven.
"Ewan ko nga ba. Siguro that time, asar na asar na ako sa'yo at sa tingin ko, 'yon ang nangyari sa atin. You are in doubt and it took you decades to recover." She then laughed.
"Decades talaga. Hindi naman, weeks lang."
Nagkibit-balikat si Angel. "It felt like decades to me. Ang tagal mo kasing mag-emote."
"Nagpa-miss lang naman ako ng konti." He grinned. "Effective ba?"
Pabirong umiling ito. "Hindi."
BINABASA MO ANG
Love Moves in Camera Ways (Published under PSICOM Publishing, Inc.)
Teen FictionAngel is always fond of the idea of love. Pangarap niya ang magkaroon ng bonggang love life. Muntik ng matupad ang dream love story niya nang ma-crush at first sight siya kay Lowell na nagkagusto naman sa best friend niyang si Josyl. Here comes St...