Chapter 7

19 3 7
                                    

Chapter 7: Kurt Lawrence Rutherford

Allysa's PoV

Naunang pumasok si Courtney kasi sinigurado ko munang naka-lock ang kotse. Nang masigurado ko na ay naglakad na ako papasok ng bar.

"Good evening Madame" bati sa'kin nung guard. Binigyan ko naman ng tipid na ngiti. Huh?? Evening?? Tumingin ako sa relo ko at 6:07 p.m. na pala. Gabi na pala, akala ko mga 5:45 pa lang kasi hindi pa fully nawala 'yung liwanag na galing sa araw.

Pumasok na ako sa loob at pumunta sa bar counter. Nakita ko naman si Freya doon kaya binati ko siya.

"Hi manager Freya!"

"Hello Ma'am Lily!" bati rin niya.

Lily ang tawag nila sa akin dito kasi sabi nila ay maganda raw ako katulad ng bulaklak na lily. Nang sabihin nga nila iyon ay medyo nainis ako dahil maganda ang kanilang sinabi, inaasahan ko pa naman ay 'yung word na 'gorgeous'. Psh.

"Mukhang marami tayong customers ngayon ah!" masayang sabi ko.

"Oo nga ho! Halos lahat nga eh mga adults at studyante na mga broken hearted! Pagtitingnan mo palang sila ay malalaman mo agad na mga broken!" sabi niya.

"Iyan ang sinasabi ko sa inyo na wala talagang poreber (forever)!!" pangangaral ko.

"Wala ngang poreber ma'am pero may together!"

"Together?! Tss..." irap ko sa kanya.

"Ang bitter niyo masyado ma'am!"

" By the way manager freya, anong oras akong magpeperform?" tanong ko habang palinga-linga sa paligid kasi hinahanap ko si Courtney. Saan na naman ba siya nagsusuot?!

"Mga around 7 p.m. po kasi may last three songs pa silang kakantahin pero kung gusto niyo na pong magperform ngayon mismo po ay sabihan niyo lang ho ako at sasabihin ko sa banda na ikaw na ang magpeperform ma'am." mahabang sabi ni Freya habang nakaturo sa banda.

"K...."

"S-sige Ma'am una na ho ako." at aaktong aalis pero pinigilan ko.

"Wait!! Nakita mo ba si Courtney kasi hindi ko alam kung saan na naman nagsusuot 'yung babaeng iyon." sabi ko.

"Ay ma'am nandoon po sa reserve na table niyo pumunta si ma'am Courtney kasama niya po si Sir Lucas." turo niya sa likod ko kaya lumingon ako at nakita ko nga naman si Courtney nakikipaglandian—este nakikipagkulitan kay Lucas.

"Thanks and you may now go." sabi ko kay Freya.

Naglakad ako papunta sa reserve table namin. Pagdating ko doon ay hindi nila ako napansin kasi nga naglalandian ang dalawang haliparut!

"Ehem!!" nilakasan ko talaga para madinig nila pero hindi nila nadinig ang tikhim ko kasi nga BUSY sila.

"Eheeeeeeeeeeem!!!" tikhim ko. Di ko alam kung tikhim pa ba iyon.

The Unwanted FeelingsWhere stories live. Discover now