Chapter 11: Experiment
Allysa Brix Smith ↓↓:
It is now Saturday at ngayong araw namin gagawin ni Tyro and experiment. Sabi kasi ni prof na sa Monday ang deadline kaya ngayon namin napagplanohan dahil free kami ngayon.
Papunta na ako sa bahay nila Tyro. Yeah you heard me right. Ako ang pupunta sa kanila! Hindi man lang nagpakagentleman! Kasi raw baka mapagkamalan siya na manliligaw ko. Hindi nalang sinabi na tinatamad! Nagtalo pa nga kami at hindi nagpatalo! Hanggang sa nagbato-bato pik kami kaya ayon talo ako. Hindi naman kasi ako magaling ng larong iyan! Palagi akong talo basta bato-bato pik.
Bumaba na ako sa aming hagdan at hinanap sila Mom and Dad para magpaalam. Nakita ko si Manang Rosy na naglilinis sa may sala kaya pinuntahan ko agad siya.
"Excuse me Manang."
"Oh, ikaw pala iha," sabi ni manang at nagbow pa. Nakasanayan na kasi nila. Si manang lang ang tumatawag sa akin na iha kasi hindi raw siya sanay na tawagin akong Lady Allysa. Pero the rest naming katulong at mga guard ay tawag sakin ay ganoon. Magagalit kasi si Dad pag hindi kami inaddress ng ganoon.
"Ahmmm... Manang nakita mo po ba sina Mom and Dad?" tanong ko.
"Ahh oo! Kanina pa sila umalis may urgent meeting yata," saad ni Manang kaya napatango ako.
"Manang pakisabi nalang po na pupunta lang ako sa bahay ng kaklase ko dahil gagawa kami ng project," sabi ko.
"Ba't hindi mo nalang i-text iha? Para malaman nila agad. Hindi natin alam baka mamaya pa sila umuwi."
"Wala po akong load eh haha! Sige po Manang babye! Pakisabi po ha!" sigaw ko at lumabas na ng bahay.
Every maid stops and bows at me in order to show some respect. This is what I like. To be treated like a princess. That no one will treat me like trash. And it looks like my family gave it to me.
"Manoong Reex!" I shouted. Yeah, I'm being a brat sometimes.
Mabilis pa sa alas kuwartro ay nasa harapan ko na si Manong Rex.
"Yes Lady Allysa?," nakabow pang sabi ni Manong Rex.
"Be my driver," I commanded.
"Yes Lady Allysa," sabi niya at umalis na. Maghihintay nalang siguro ako sa may gate. Hayst... Maglalakad na naman ako. Pagkalabas mo kasi sa bahay ay may ilang metro kapang lalakarin bago mo marating ang gate. Hindi kasi pwedeng dumaan o mag park man lang ng kotse dito sa harap ng bahay kasi mapapatay ka talaga ni Mom. Bakit? Dahil magugulungan raw ang bermuda grass niya pero inaapakan naman niya. Oh diba hanep? Pati bermuda grass mahal niya. Baka nga pati mga uod na nakatira sa ilalim ng lupa ay mahal niya.
YOU ARE READING
The Unwanted Feelings
Novela JuvenilThere was a girl named Allysa Brix W. Smith. She is a kind of girl na palaban, matapang, sadista, mataray, mataas ang pride at snob.. Naranasan na niya ang masaktan at masawi sa pag-ibig. Hindi na siya papayag na masaktan ulit so that, she believe t...