Chapter 9: The Mysterious Voice
Kurt's PoV
Nagliligpit na ako sa laptop ko kasi tapos na ang klase. Ang sosyal ng school na ito. Kailangan may laptop ka kasi may subject na required ang laptop which is ang Computer subject. First ay ide-demonstrate anong gagawin or magle-lecture gamit ang projector. Pagkatapos ay magbibigay ng activity then gagawin mo iyon sa laptop mo. Pag-exam naman ay sa computer lab kami, minsan rin pag may quiz doon kami.
Tumingin na ako sa mga kumag. Ang boring naman kung sa bahay na ako didiretso.
"Mga tsong! Punta tayo ngayon sa bar!"
"Sige!" - Tyro
"Pwede narin," - Bryan
"Pass muna ako diyan," sabi ni Jeff kaya napalingon kaming lahat sa kanya.
"Eh?! Bakit naman?! Sama ka na!" sabi ni Tyro. Ang bilis makareact ah.
"Sige na Jeff! Minsan lang naman to oh!" segunda ko.
"Ayaw," sabi ni Jeff at naglakad na palabas. Tiningnan ko lang sila kasi nga feeling ko mag-aaway ngayon 'tong tatlo.
Hinarangan naman ni Bryan si Jeff sa may pintuan at ang dalawang kamay ay nakaharang. Para siyang scare crow sa lagay niya!
Naaamoy ko na naman ang WAR!
"Hindi! Sama ka sa amin! Huwag KJ! Minsan nga lang ito ayaw mo pa!" singhal ni Bryan sa kanya at nakapout pa. Hindi naman bagay nagmukha lang siyang bibe sa lagay niya.
"Akala ko ba matalino ka Bryan? Simpleng salitang 'AYAW', hindi maintindihan?" naiinis na tugon ni Jeff.
Uh-oh... Mukhang mainit ang ulo ng tatay!
"Eh?! Alam ko na matalino ako Tatay Jeff pero dapat sasama ka sa amin!" pamimilit ni Bryan.
"Sige na Tatay Jeff! Kahit ngayon lang pagbigyan mo kami ng mga anak mo!" sabi ni Tyro. Pumunta siya kay Bryan at iniharang rin ang mga kamay nito kay Jeff. Haha! Dalawa na ang scare crow.
"Pfft!" pinipigilan ko talagang matawa kasi baka masira ko ang live drama ngayon. Gago talaga si Tyro! Gayahin ba naman si Bryan!
"I have no sons!" singhal ni Jeff sa kanila.
"Pinagkait tayo ng ating sariling ama! Ouch!" at humawak pa si Tyro sa kanyang dibdib na tila ba nasasaktan.
"Ang sakit pala na kinakahiya ka ng sarili mong ama!" acting naman ni Bryan at ginaya si Tyro.
Para talagang mga bading!
"Tsk! I don't care! Let me get out of this room, NOW!" nagtitimping utos ni Jeff. Patay tayo diyan!
YOU ARE READING
The Unwanted Feelings
Teen FictionThere was a girl named Allysa Brix W. Smith. She is a kind of girl na palaban, matapang, sadista, mataray, mataas ang pride at snob.. Naranasan na niya ang masaktan at masawi sa pag-ibig. Hindi na siya papayag na masaktan ulit so that, she believe t...