Chapter 8: The Private Table
Kurt's PoV
Pagkaalis ni Lysa ay bumalik na ako para kunin ang wallet ko at ayain sila sa cafeteria kasi sabi ng classmate ko na si KC na wala daw ang next teacher namin because of the sudden meeting.
Kung may pumasok sa kukote niyo kung bakit ko sila aayain pa. Well, nagpapaaya pa iyang tatlo dahil kung hindi mo sila aayain ay hindi iyan bababa.
"Tara na mga tsong! Punta tayo sa cafeteria!"
"Nah... Ikaw na lang, nakakatamad kaya.." sabi ni Tyro ang pinakatamad at ang champion sa pagiging kuripot!
Tiningnan ko naman si Bryan na nagbabasa ng libro.
"Pass muna ako diyan." sabi niya ng hindi tumitingin sa akin!
Nakabusangot na pinuntahan ko si Jeff at tinapik.
"Jeff.. Brad.. Samahan mo naman ako oh.. Woi." niyugyug ko siya.
Nag-angat siya ng ulo at tiningnan ako ng masama at pagkatapos ay bumalik sa pagkakatulog!
Anak ng!
Tiningnan ko silang tatlo at busy sa kanilang ginagawa. Si Tyro ay busy kaka-type sa kanyang cellphone. Si Bryan naman ay busy sa pagbabasa ng libro at ang hindi magpapatalo ay si Jeff na natutulog at take note! Kanina pa 'yan natutulog!
"Ganyan ba talaga kayo sa akin ha?! Hindi niyo na ba ako mahal?!" nagpapaawang sabi ko.
"Psh! Huwag ka ngang bading! Mandiri ka nga!" singhal ni Tyro at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Kaya mo namang pumunta sa cafeteria na nag-iisa. Hindi ka naman baldado o disable para gabayan pa." sabat ni Bryan.
"Hindi niyo na talaga ako mahalaga sa inyo eh!"
"Huwag ka ngang maingay!" sigaw ni Jeff pero hindi ako nakinig! Gusto ko nang hustisya!
"Hindi eh! Hindi niyo na talaga ako mahal!"
"'WAG KANG 'OA'.." sabay nilang sabi at bumalik na sa kanilang ginagawa.
"Bahala nga kayo diyan. Ako na nga ang nag-aya ayaw pa." pagmamaktol ko sabay talikod.
"Manglilibre pa naman sana ako." pagpaparinig ko.
Nakarinig ako ng pagkuskus ng bangko at pagtingin ko dun ay tumayo si Bryan at nakatiklop na ang kanyang libro.
"Tara baba tayo ng cafeteria. Nagutom ako sa kakabasa ng libro."
"Oo nga, nagutom rin ako. Nakakagutom rin pala ang magdamag na nakaupo." sabi ni Tyro sabay akbay kay Bryan!
Nakarinig naman ako ng pagkuskus ng bangko kaya pagtingin ko ay nakita ko si Jeff na tumayo at naglakad papunta sa direksyon namin.
"Tara.." sabay lagpas sa amin at sumunod naman sa kanya ang dalawa!
"Mga walang hiya talaga kayong tatlo!"
Narinig ko na tumawa si Bryan, Jeff at ang pinakamalas na tawa ay kang Tyro.
I just rolled my eyes then follow them.
YOU ARE READING
The Unwanted Feelings
Teen FictionThere was a girl named Allysa Brix W. Smith. She is a kind of girl na palaban, matapang, sadista, mataray, mataas ang pride at snob.. Naranasan na niya ang masaktan at masawi sa pag-ibig. Hindi na siya papayag na masaktan ulit so that, she believe t...