Chapter 6: Lily's Bar
Allysa's PoV
Pagkatapos ng P.E. class namin kanina ay umuwi agad ako. Kahit mayroon pang mga subjects na kailan ko pang pasukan ay hindi ko na sinipot. Pati nga si Courtney ay nagtaka kasi umuwi ako agad, sabi pa niya ay hindi raw ako ganito at naninibago raw siya kasi first time ko raw na hindi kinompletong pasukin ang mga natitirang subjects ko. Palusot ko nalang sa kanya ay masama ang pakiramdam ko. Naguilty tuloy ako kasi sabi paman niya kaninang umaga ay sasamahan ko raw siya na magshopping sa mall at higit sa lahat ay nagsinungaling pa ako sa kanya. Eh kasi naman eh! Naiilang ako pagnakikita ko si Kate at ang mas nakakainis ay hindi ko alam kung bakit.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakatihaya sa kama. Hay.. Buhay nga naman kinokonsensya ako sa pag iwan ko kay Courtney sa school. Sigurado akong hindi iyon nakikinig sa discuss ng prof at nagmamaktol dahil hindi ko siya masamahan sa pagma-mall niya. Tss.
Nag-isip ako kung ano ang pwedeng gawin ko sa kanya.
.
..
...
....
.....
......
.......Tama!! Dinial ko agad si Courtney at pagkatapos ng ilang ring ay sinagot niya.
["Oh? Himala yata at napatawag ka sa'kin Brix."] napaismid na lang ako sa sinabi niya. Ganyan ba talaga ako?
"Wala man lang 'Hi' or 'Hello' or any greetings man lang. Tss." nagtatampong sabi ko.
["Bakit nga?"] tanong niya. Anak ng! Wala talaga siyang planong mag-greet sa'kin.
"Free ka ba tonight?" na-e-excite kong sabi.
["Sad to say girl, I'm not free tonight 'cause I'm busy you know. Psh."] naiinis niya saad.
Hehe! Ayaw talaga ah! Alam ko naman na sinasadya niyang sabihon 'yon kasi gusto niyang makaganti sa'kin sa pag-iwan sa kanya sa school.
"Talaga.." padismayang sagot ko "Sayang naman hindi ka makakasama ngayong gabi, magpe-perform pa naman ako ngayon."
["Sorry talaga hindi kita masasamahan ngayong gabi-"] parang naputol ang sasabihin niya sa'kin na tila ba may narealize sa sinabi ko.
["Oww... Ahh... Ay! Syempre sasamahan kita bes ikaw pa malakas ka sa'kin no! Tama pala bes free ako tonight kasi na move pala ang sched ko ngayon and I change my mind. Imbes na hindi kita sasamahan ay sasamahan na kita ngayon!! Kaya ano paba ang hinihintay mo diyan Brix? Magbihis kana kasi pupunta ako diyan sa bahay niyo pero siyempre hindi ako makikisakay sayo kasi magdadala ako ng sasakyan. Ge kita kits!! BYE!!"] at binabaan na ako ng tawag. Ay iba! Dapat ako ang unang magbababa ng tawag kasi... kasi... kasi... basta ako dapat!
YOU ARE READING
The Unwanted Feelings
Dla nastolatkówThere was a girl named Allysa Brix W. Smith. She is a kind of girl na palaban, matapang, sadista, mataray, mataas ang pride at snob.. Naranasan na niya ang masaktan at masawi sa pag-ibig. Hindi na siya papayag na masaktan ulit so that, she believe t...