Chapter 4: A Ghost of the Past (Ang Multo ng Nakaraan)

7K 161 87
                                    

"Napakatamis ng tubig at naiinom, bagaman lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay sa apoy. Nagiging singaw ito kapag pinainitan; kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang pumuksa sa sangkatauhan at yumanig sa dibdib ng mundo."

-Jose Rizal


"Edward?" wika ni Johan. Muling lumitaw ang liwanag sa buong kwarto dahil sa kidlat mula sa labas. Nakita ng mga bata ang isang lalaking nakangiti nang nakakatakot. Agad silang nagtago sa likod ng binata. Si Johan naman ay napangiti na lamang.

"Pasesiya na pero, tingin ko kailangan na nating kumilos, kamahalan," sambit naman ni Edward. Agad tumayo si Johan mula sa pagkakasalampak sa carpet. Alam niyang importante ang balitang dapat niyang malaman.

"Dito muna kayo ah?" paalala niya sa mga bata. Lumabas siya ng kwartong iyon at naglakad patungo sa command center kasama si Edward.

Nagkakagulo sa command center. Dahil sa limitadong supply ng kuryente ay nakapatay ang ilang mga ilaw ngunit nakabukas ang napakaraming mga hologram device at computer.

"Anong nangyayari?" tanong niya. Agad namang lumapit si Helena sa kanya, kinapitan ang likod niya at itinuro ang main hologram screen.

"...the European Union has unleashed its forces in the borders of Turkey, General Linford ordered an attack on North Korea. This is to protect their lands from their enemies. The attack will be effective within the week, signed by the European Prime Minister himself, Mr. James Wellington."

Mangiyak-ngiyak ang mga staff ng techno hub command center dahil sa kanilang nakikita. Isang batalyon ng halos sampung libong mga sundalo ang nakalatag sa isang base ng European Army at nakapila ang mga ito habang sumasakay sa mga heli ship. Sa isang banda naman ng headquarters ay makikita ang napakarami ring mga prototype. Nasa harapan nila ang isang kulay itim at asul na prototype.

"Mark Dimitri...and Subject 4," wika naman ni Layla. Nag-iba naman ang mukha ni Edward habang nakatingin sa hologram screen na iyon. Tila siya'y natatakot, napayuko na lamang siya at ipinaling ang tingin sa iba.

"S-subject 4?" tanong ni Helena.

"Hindi namin nasabi sa inyo dati. Siya si Mark, ang Subject 4 ng MEMO. Iyan na ang katawan niya ngayon. Isa na siyang prototype," paliwanag ni Layla.

"Ang memory gene niya ay nasa prototype tama ba?" tanong ni Johan.

"Oo, mas pinili niyang mabuhay sa ganyang estado para lang makapaghiganti," sagot ni Layla. Agad namang tumalikod si Edward at lumayo sa kanila. Napatingin na lamang si Johan sa kanya at sa loob-loob niya ay mukhang alam na niya kung sino ang balak niyang paghigantihan.

"Ihanda ang buong pwersa. Itatago nila ang pag-atake sa atin. Uunahin nila ang North Korea at ang sunod ay tayo naman. O kung pinaglalaruan lang nila tayo, malaki ang posibilidad na mauna silang umatake dito," wika ni Johan. Nanlaki naman ang mga mata ng mga staff at maging sina Layla at Helena.

"P-pero sir, kakaunti na lang po ang pwersa ng air force at ng marines. Pati po ang mga sundalo natin, i-imposibleng matapatan natin ang pwersa nila," wika naman ng isang lalaki.

"Magiging imposible ang labang ito," sagot ng binata. Napatingin lalo ang mga staff sa kanya at nagtaka.

"Pero hindi ako papayag. Ihanda ang lahat. Ikalat ang marines sa border ng Pilipinas. Ayoko nang may makakalusot na mga sasakyang pandagat o panghimpapawid, maliwanag?" utos niya.

"Opo!" sagot naman ng mga heneral mula sa panel ng hologram screen.

"So General Linford has decided."

Bumukas naman ang isang hologram screen at nakita nila doon ang mukha ng North Korean President na si Kyon Lin Il.

"A-ang presidente ng North Korea?! Bakit?" pagtataka naman ng ilang mga staff. Nagsimula ang bulong-bulungan at ang manaka-nakang pag-uusap. Itinaas naman ni Johan ang kanyang kanang kamay at nanahimik ang mga ito.

Philippines: Year 2303 - A Game of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon