Chapter 13: Edward, The Brave (Edward, Ang Matapang)

4.8K 143 64
                                    

"If my survival caused another to perish, then death would be sweeter and more beloved."

-Khalil Gibran


"AAAAARGGHHHHH!" sigaw ni Edward nang gisingin siya ng kuryente na dumaloy sa kanyang memory gene.

Nakapiring ang kanyang mga mata at ramdam niya ang mabigat na bakal na nakakabit sa kanyang magkabilang kamay. Hindi niya rin maikilos ang kanyang mga paa; animo'y nakatali ito sa upuang bakal. Ramdam nya naman ang patuloy na pag-agos ng dugo sakanyang bibig at noo at tumutulo iyon sa kanyang hita.

Mayamaya pa'y nakarinig na siya ng mga yabag sa kanyang harapan. Tila naririnig niya ang takong nito na pumapalo sa sahig at sa pagkakataong iyon ay alam niya na agad kung sino ang taong iyon.

"You can change your memory gene but you cannot change the way you walk...General Linford," wika ng binata sabay ngiti.

Isang suntok naman sa kanyang mukha ang kanyang natanggap.

"Pweh...phhuft..." Dumura naman agad ng dugo si Edward matapos tanggapin ang suntok na iyon.

"Still defiant, aren't we? Perhaps you should pick the right words first before you talk," tugon naman ng babaeng heneral.

"Ahahahaha..." Tumawa na lamang ang binata.

"Why do you people always laugh when you are at the edge of losing and dying? Is this the way of enlightening yourselves?" tila pang-aasar naman ni General Linford.

Kumuha siya ng isang upuan at ihinarap sa binata.

"Because it's the only way to piss you off," sagot naman ni Edward.

Ikinumpas naman ng babaeng heneral ang kanyang kamay. Tumango naman ang isang sundalong may hawak na electric rod at idinikit ang aparatong iyon sa memory gene ng binata.

"AAAAAHHHHH!!" Napasigaw naman at tila nangisay pa si Edward sa kanyang pagkakaupo.

"I said be careful in picking your words, Victor. I'm not in the mood and if I wanted too, I might as well kill you myself."

"Only a coward kills a man who is helpless and cannot fight. Why are you so afraid of me general? Why won't you let me see my own death?" tanong naman ng binata.

Agad namang tumayo ang babaeng henerl at tinanggal ang piring sa kanyang mata. Napangiti naman si Edward at tiningnan ng matalim ang mga mata ni General Linford.

"You seek for your own death. So shall it be. But I am not worthy to take your life," wika ni General Linford.

Ngumiti muna siya bago tuluyang umupo sa kanyang kinauupuan. Madilim ang kanilang paligid at tila isang liwanag lamang ang nakatutok sa kanilang pwesto. Tila bumukas naman ang hatch ng heli ship na iyon, isang nakakasilaw na liwanag ang dahilan kung bakit napapikit si Edward.

Sa bakal na pintong iyon ay nakita niya ang anino ng isang prototype. Agad niyang napansin ang pagbabago ng itsura nito ngunit nakaukit pa rin sa kaliwang dibdib ng prototype na iyon ang numerong '4'. Agad tumigil ang prototype na iyon nang maaninag kung sino ang binatang nakaupo sa kanyang malayong harapan. Napangiti na lamang si Edward at yumuko.

Tila magkapareho naman ang naging kapalaran ni Edward at ni Cher Ronsteiner, ang doktor na nagkabit ng augmented parts sa tunay na Subject 4 upang mabuhay.

Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga sundalong dumukot sa kanya mula sa kanyang apartment. Tila nakikiramdam lamang siya sa paligid. Natatakpan din ang kanyang mga mata ng isang piring. Alam niyang nakaupo siya sa isang upuan ngunit kapansin-pansin ang pagiging malambot ng upuang iyon. Naaamoy niya rin ang paligid at alam niyang nasa malinis siyang lugar ngunit alam niya ang peligrong nagbabadya sa kanyang buhay kaya't hindi niya maiwasang matakot. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit nakatali ang kanyang mga paa sa upuan na iyon.

Philippines: Year 2303 - A Game of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon